Medyo bangag ako sa puyat habang ginagawa ko 'yong Chapter 42 kaya may mga mali, lalo na sa part ng code ng pinto ni Mikaella, 1-2-1-9 dapat 'yon dahil December 19 tapos ang nailagay ko is 1-0-1-9 HAHAHAHA. Sorry na, basahin niyo na lang ulit 'pag may time kayo. 😅
42
"You need to hear this Fuentabella!" iritado na ang boses ni Esguerra habang nakasunod sa akin papasok sa opisina ko.
Hindi ko siya iniintindi, ang aga-aga ay pagmumukha niya ang bubungaran ko pagpasok sa trabaho?
"I have no time."
"But this is important!"
"She's already married and has a kid, Esguerra. Hindi ka pa ba sumusuko?" parang sa sarili ko dapat itanong ang mga iyon.
"W-what?" Hindi makapaniwala na tanong niya sa akin, kunot na kunot ang noo.
"Si Mikaella." tipid kong sagot.
"Wait—" he chuckled. "What married? And what kid are you saying?" takang-taka na tanong niya.
Hindi ba dapat ay siya ang mas nakakaalam ng bagay na iyon dahil siya ang narito sa Pilipinas?
"You have no clue? May asawa at anak na nga 'yong tao, kaya tantanan mo na." pahina nang pahina ang boses ko.
Lahat nang sinasabi ko ay tumatagos sa puso ko.
Natatamaan ako, sapul na sapol pa nga.
Alam ko na nga na may asawa at anak na siya pero heto ako at pilit pa ring umaasa.
"She's not! Ano ba Fuentabella? Ang gulo mo naman yatang kausap?"
"Then don't talk to me." sabi ko bago nagpatuloy sa pagpasok sa office.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Sinulyapan ko siya ng tingin at nakita ko na gulong-gulo ang itsura niya. Parang maraming iniisip. Nakita ko pa na nagpipindot ito sa cellphone at prenteng umupo sa couch na nasa loob ng office ko.
"Wait, look at this." iritadong tiningnan ko naman ang pinapakita niya sa screen ng cellphone at nakita roon si Ella kasama 'yong anak niya.
"Yeah that's her kid." walang gana kong sabi.
Sumama ang tingin ko ng bigla siyang humalakhak sa harap ko.
"Kung wala kang magandang gagawin at sasabihin ay umalis ka na." sabi ko bago umupo sa swivel chair at tiningnan ang mga schedule ko para sa buong araw.
Wala pa akong secretary o assistant.
Wala rin si Hazelle dahil masama pa rin ang pakiramdam.
"Mikaella is still single." awtomatikong lumipad ang paningin ko kay Esguerra pagkarinig sa sinabi niya matapos ang mahabang pagtawa.
He chuckled again. "This little boy is her nephew. Anak ni Michael at Joice. Holy cow, you have no idea, really? What happened, Fuentabella?" nakangisi nitong tanong sa akin.
Hindi ako kumibo bagkus ay sinamaan ulit siya ng tingin.
"I have an offer for you— about business, dude!" depensa nito nang makita ang matalim kong tingin.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...