31

757 69 42
                                    

"Bakit mo ba ko sinusundan, ha?!" mataray kong tanong sa kanya habang naglalakad ako pabalik sa cabin. Nakapagtataka lang na kanina pa ako lakad ng lakad pero hindi ko mahanap ang daan pabalik.

Napadami nga yata ang inom ko kaya ngayon ay nahihilo na ako. Take note, naka robe lang ako at swim suit sa loob. Yung damit ko ay biglang naglaho kasabay ng paglalaho ng mga kasamahan namin. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero siguro ay bumalik na sa cabin para magpahinga. At iniwan nila ako, iniwan nila ako sa mokong na ito!

"Where are you going?!" pinipilit mang maging seryoso ay halata pa rin ang pagpipigil ng tawa nito, bagay na ikinainit pa lalo ng ulo ko.

"Babalik na sa cabin. At bakit pala nagtatanong ka? Close ba tayo? Huh?" tumingala ako sa kanya at pinanliitan siya ng mga mata. Nakita ko ang amusement sa mukha niya kasunod ang maliit na ngisi.

"You're drunk."

"What drunk? I'm not." pairap na sagot ko na naging dahilan ng lalong pagkahilo.

"Yes you are.."

"You're so makulit! Stop following me!" inis na sabi ko saka naglakad ulit papunta sa kung saan pero ilang hakbang lang ay naramdaman ko na parang gumegewang na ang lakad ko. Kasunod niyon ay narinig ko ang mahihinang tawa mula sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kinatatayuan niya at sinamaan siya ng tingin. Napapiksi ako ng alalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa siko.

"GKB?!" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"What's GKB?"

"G*ago ka ba?!" sagot ko na para bang ang tanga niya dahil hindi niya yon naintindihan.

"What? Gwapo ka ba? Hmm, well.." nagkibit balikat pa ito na animo ay gusto niyang sabihin na hindi na dapat tinatanong ang bagay na iyon.

Sobrang yabang!

"Anong gwapo? Ang sabi ko g*go!" sabi ko sa kanya at tinalikuran ulit siya.

"So you're into acronyms when drunk, huh?" he asked then chuckled.

"DTTM! As in don't talk to me!" sabi ko sa kanya sabay talikod.

"ISLY." bago pa man ako makapaglakad ulit ay narinig kong sinabi niya.

"What?" naguguluhan na tanong ko.

"I said, ISLY." seryoso ng sabi niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "I don't know what you are trying to say. Diyan ka na nga! At huwag na huwag mo 'kong susundan ulit!" inis na sabi ko pero bago pa man ako nakatalikod ay hinawakan na niya ako sa siko at hinatak palapit sa dibdib niya.

Niyakap niya ako. At amoy na amoy ko ang pinaghalong body wash, pabango at alak sa kanya o kung sa kanya nga ba ang alak na naaamoy ko o sa akin na mismo ay hindi ko na alam. Pero saglit lang natuon ang atensiyon ko sa amoy dahil nalipat agad iyon sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas niyon ay natatakot ako na baka marinig at maramdaman niya.

"MNMPRK." bulong niya na hindi ko na naman naintindihan. Ako itong nagsimula sa pagsasalita ng acronym pero ako pa ngayon itong hindi naiintindihan ang mga sinasabi niya.

"B-bitawan mo nga ako! Bakit ba nangyayakap ka basta-basta?!" pilit akong kumakawala mula sa pagkakayakap niya pero hindi manlang siya natitinag.

"Please kausapin mo ako, Ella. Marami tayong dapat pag-usapan. Marami tayong dapat ayusin. Tigilan mo na ang pagsusungit sa akin kasi hindi ako sanay. Hmm?" nararamdaman ko ang bawat haplos niya sa buhok ko, at sa mga oras na ito ay gusto ko pang isandal lalo ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon