"Paano kung sabihin kong hindi, what will you do? Will you make me happy and well? Hmm?" sa gulat ko ay may tumulong sunod-sunod na luha sa mata niya.
Mas lalong nagtubig ang mata ko na makita siyang ganoon. Napahawak ako sa balikat ko ng muling maramdaman ang pananakit niyon. Ilang araw ko na ding nararamdaman ito.
"Will you love me back?" dugtong pa nito.
"Zachy.."
"Will you give me a chance?"
"Zachy, I'm so-"
"Don't. Please don't. Ayokong marinig, hindi pa rin ako handa, Mikaella. Don't reject me yet. Kahit alam kong matagal na akong talo hindi pa rin ako handa na marinig yon mula mismo sa 'yo."
Doon na tumulo ng tuluyan ang mga luha ko. I grip at the fabric of my white nurse uniform. Umaasa na baka sakaling magkaroon ako ng lakas para magsalita.
I love Zachareus. Kaibigan ko siya at halos kapatid na nga. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Walang lumalabas sa bibig ko.
Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha naming dalawa habang nakatingin sa isa't-isa hanggang sa namalayan ko na lang na natawid na pala niya ang natitirang distansya.
Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko, pilit tinutuyo ang luha na umaagos doon.
Bakit kailangan naming magkaganito? Bakit kailangang mahulog ang isa sa amin gayong hindi naman pala masasalo ng isa pa? Why should the one of us have to be hurt like this?
Hindi ko nahulaan ang sumunod na galaw ni Zachareus. Naramdaman ko na lamang ang pagdampi at paniniil ng labi niya sa akin. Para akong natuos sa aking kinatatayuan.
Ilang beses akong napakurap, pilit pinoproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari kahit na ang totoo ay parang blangko ang isip ko.
Nang maramdaman ko ang palad niya sa batok ko ay tila nagising ako sa mahimbing na pagtulog. Doon ko pa lang naintindihan kung anong nangyayari.
He's kissing me. Zachareus' kissing me!
Hindi! Hindi nangyayari 'to! I don't like this. I hate this feeling, I'm.. I'm scared of this!
Parang bigla ay bumalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari noon. Sa kamay ni Misael, noong tinurukan ng espesyal na gamot si Zachareus. Noong nawala siya sa katinuan..
Flashback of young Mikaella and Zachareus came in my mind..
The way he touched me back then..
The way he kissed my lips and neck agressively..
The way he looked at me with so much desire and lust in his eyes.
It came back..
All the pain and fear came back, fresh as if it was just yesterday.
Naitulak ko si Zachy gamit ang naipon kong lakas. Parang naging ibang tao ako. I'm mad, kahit ako ay natatakot sa sarili ko. I am aware of what I'm doing and of my reactions but I don't know how to stop myself.
Masama ang tingin ko kay Zachareus habang naghahabol ng hininga.
I'm having my attack, sumabay pa sa nangyayari sa akin.
At alam ko na may kahihinatnan ako if I'll not manage and control my self.
"M-Miks.." nag-aalalang tawag sa akin ni Zachareus habang hindi malaman kung paano ako hahawakan. Fear was also visible in his face.
Napahawak ako dibdib ko, heto na naman ako. Iniiwasan ko na ngang mangyari pero nangyari pa rin!
Patuloy ako sa paghahabol ng hininga. I'm also having my chest pain now, ngayon lang ito ulit nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/261554896-288-k474884.jpg)
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
De Todo(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...