"Narito na ba ang lahat? Attendance muna tayo!" pumalakpak si Carmie, secretary ng OHOS para kuhanin ang atensiyon ng lahat.
Nagsimula siyang magroll-call ng mga pangalan namin.
Karamihan sa member ng OHOS ay mga may trabaho na, ilan din kaming nurses dito, may tatlong Doctor at may magdo-Doctor, may guro, may business man/woman, may nagtatrabaho sa bangko, may simpleng worker din at the rest ay High School at College Students.
Dahil halos present yata ang lahat sa meeting namin kaya hindi kami kasya sa office.
Narito kami ngayon sa ibaba ng Tambayan, mas maluwag kasi dito at maraming upuan kumpara sa itaas, nagpasikip doon ang mahabang meeting table namin.
Even Jomzel, Megan and some other of our highschool classmates were here. Kasama kasi sila sa organization, actually kami ang nakaisip na bumuo ng organisasyong ito dahil sa isang pangyayari. Well that's another story, basta it turned out na may nasagip kaming batang kalye tapos doon na nagsimula. Laging nakaabang ang batang iyon sa parking ng Tambayan tapos namamalimos sa amin kapag labas namin.
Nang matapos ang roll call ay sinimulan na ang meeting at announcement ng mga parating na Activities. Ilang oras din ang inabot niyon dahil mas marami pa ang kwento kesa sa matinong usapan.
Pagkatapos ng meeting ay isa-isang naubos ang member. Yung iba may pasok pa sa School at trabaho, yung iba may lakad samantalang ang iba sa mga high school friends ko ay nagpaiwan.
Umorder lang kami ng drinks at snacks para may makain habang nagkukwentuhan. Naikwento ni Jomzel iyong isang professor na parang pinag-iinitan daw yata siya.
Napag-usapan din namin yung tungkol kila Rafael at Leah, syempre nandun na naman iyong pagiging pakialamera namin sa isang sitwasyon kaya nagkasundo sila na gawan ng paraan para magkita 'yong dalawa. Na hindi sinang-ayunan ni Loree, kahit ako ay hindi pabor.
"Hayaan niyo 'yong dalawa. Malalaki na sila, guys. Hindi na tayo yung dating highschool na kailangan pa ng tulong ng iba para lang makipag-usap o makipag-ayos sa isang nakatampuhan o nakaaway. Mag-uusap naman ang mga iyon kapag handa na sila."
Tumango-tango ako. "I agree. Baka hindi lang sila maging comfortable sa mangyayari. Baka rin magalit pa ang dalawang 'yon sa atin."
"Eh, tayo?" napatingin kaming lahat kay Seph. Halos humiga na ito sa single sofa, naka-krus ang matitipunong braso at matiim ang tingin sa baso ng lemonade na nakapatong sa lamesa. Lalaking-lalaki tingnan si Seph. Mula noong umamin siya dati na hindi siya totoong bakla ay lumaki ng lumaki ang katawan niya. Taong gym na yata ang isang ito. Ang galing pa manamit, mukhang mabango at malinis palagi kahit pawis na pawis. Madalas akong kiligin sa kanilang dalawa ni Loree kaya hinihiling ko na sana magkaayos na silang dalawa. I mean, magkatuluyan ganun.
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Pero hindi ako nagkamali ng hinala ng biglang lumipat ang tingin nito kay Loree.
Bakas ang gulat sa mukha ni Loree. Tumikhim ito at agad na tumayo para kuhanin ang bag.
"I need to go. May meeting pa pala ako." hindi niya manlang hinintay na makasagot kami. Dire-diretso na siya palabas ng Tambayan.
Naging matunog at sarkastiko ang pagngisi ni Seph. Tumayo ito at ang inaasahan ko ay susundan niya si Loree ay hindi nangyari.
"Tara lipat sa kabila." mababakas ang lungkot sa mga ngiti na sinabi nito, ang tinutukoy na kabila ay ang The Hang-out.
Walang kibo na sininop namin ang aming mga gamit at sumunod kay Seph. Lihim na lang kaming nagkakatinginan habang naglalakad sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...