Song for this Chapter: Sa ngalan ng Pag-ibig by December Avenue.
This would be the last Kiel's POV of what had happened to him in the timeline of Mikaella's point of view.
Chapter 48
"MNMPRK." mahal na mahal pa rin kita.. bulong ko habang yakap ko siya.
Sa mga oras na ito ay ayoko nang bumitaw pa. Pinaghalong sakit at saya ang nararamdaman ko. Sakit dahil sa nakalipas na mga taon ay ilang beses kong hiniling na mangyari ulit ang bagay na ito, ang tagpong ganito, na mayakap ko siya ulit. Saya naman dahil sa wakas ay natupad iyon kahit sa paraan na taliwas sa hinangad at inisip ko.
"B-bitawan mo nga ako! Bakit ba nangyayakap ka basta-basta?!" pilit siyang kumakawala mula sa pagkakayakap ko sa kanya pero wala akong planong pakawalan siya, not too fast. Not now that I can finally feel every inch of her again. Not now that our heart beats with the same rhythm.
"Please kausapin mo ako, Ella. Marami tayong dapat pag-usapan. Marami tayong dapat ayusin. Tigilan mo na ang pagsusungit sa akin kasi hindi ako sanay. Hmm?" marahan kong hinahaplos ang kalambutan ng kanyang buhok habang nakapikit at patuloy na dinadama ang bawat sandali.
I can feel the small portion in her heart that also want to hear my side, my explanation. Pero sobra na siyang nabubulag sa mga bagay na pinaniniwalaan niya.
We're both under the influence of liquor but I am still a sober unlike her, napanood ko kung paano at kung gaano karami ang nainom niya kanina habang panay ang sulyap sa akin gamit ang masasamang tingin. I know, dahil buong oras ay hindi ko naman inalis ang paningin ko sa kanya kahit na alam kong hindi na siya komportable.
The truth is, kanina ko pa siya sinusundan dahil ipinagkatiwala siya sa akin ng mga katrabaho niya, kanina pa rin ako nagtataka kung saan ba siya pupunta pero nang tanungin ko naman ay sa cabin ang sagot niya. At taliwas sa direksyon papunta roon ang lugar kung nasaan kami ngayon. She's so drunk that she can't even recognise the way back to their cabin.
Kanina ay medyo magaan pa ang atmosphere, natatawa pa nga ako sa kalasingan niya.
Nalaman ko na mahilig siyang magpaiksi o gumamit ng acronyms sa bawat sasabihin.
"Ayokong kausap ka." she declared but lacked in conviction. Hindi na rin siya nagpupumiglas pa, pero hindi rin naman siya gumaganti sa yakap ko. Para lang siyang tuod, walang ginagawa, parang.. napagod na lang.
"ISLY, Ella." I still love you, Ella.. I really do, always.. I heaved a sigh. "I will not going to say it's meaning because I know that you're not ready yet, but try to figure it out by yourself."
"Bitiwan mo na ako, Kiel. Baka may makakita sa atin. Bumalik ka na kay Hazelle, baka hinahanap ka na ng fiancée mo."
I honestly feel like I'm so tired of what's happening but the idea of me hugging her gives me the strength to move forward, to continue pursuing her.
"Wala kaming relasyon." sa wakas ay nasabi ko rin.
But what she said broke me even more.
"Sinungaling ka." sinabi niya iyon habang nakatingin sa mga mata ko.
Sobrang sakit. Pero ano pa ba ang aasahan ko? Kasalanan ko 'to kaya wala akong karapatan na magreklamo at masaktan.
Pagkatapos ng gabing iyon ay nagpatuloy siya sa pag-iwas, sa pagtatago. Nalaman ko na binigyan siya ng isang linggong pahinga, bagay na ikinapagtaka ko ng sobra.
They are in the middle of a mission. So why?
Hindi ako kumbinsido sa sinabing dahilan ng head nurse nila kung bakit siya pinagpahinga. Kaya nagtanong ako, pero lahat sila ay tikom ang bibig. Walang gustong magsabi ng totoo kahit pa halalata naman na mayroon silang tinatago.
![](https://img.wattpad.com/cover/261554896-288-k474884.jpg)
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
De Todo(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...