52

589 52 7
                                    

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Nic?" bungad ni Hazelle ng makapasok sila sa kuwarto, hinila niya si Ella papasok habang si Cayl naman ay dumiretso ng upo sa couch.

"Bakit ka umaalis sa Isla ng hindi man lang nagsasabi kahit sa kapatid mo?" dugtong niya pa sa naunang tanong.

I didn't answer her questions.

"Gusto ko nang lumabas ngayong araw." kay Thaddeus ako tumingin. Sinalubong naman niya ako ng seryoso niyang mukha.

"You're not well yet." sagot niya.

"Sa hotel na lang ako magpapagaling. Wala lang naman 'to.." kumpara sa sakit na nararamdaman ko..

"No." tipid ngunit seryosong sagot ni Thaddeus.

"Right, dude. Tingnan mo nga yang sarili mo hindi ka na halos makilala." umiiling na gatong naman ni Cayl.

Napahawak ako sa mukha ko. Oo nga pala, doon ako napuruhan bukod sa likod ko.

Itinago ko ang aking mukha sa kanila, lalo na kay Ella.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin.

"So what happened to that bastard?" Thad asked Cayl.

"Well of course we got him blottered." sagot ni Cayl habang pinaglalaruan ang mansanas sa palad niya.

"You should give that punk a one nice shot." sa gulat ko ay biglang humalakhak ng pagkalakas-lakas si Cayl.

"Don't worry dude, someone already did that in my place." sagot nito kay Thad bagay na ikinakunot ng noo ko.

Sinong someone?

"I think you two need to talk so we better go outside first." sabi ni Hazelle na siyang ikinataranta ko kaya nahawakan ko siya sa braso upang pigilan.

Nagharing muli ang katahimikan sa apat na sulok ng silid. I saw Ella at the corner of my eyes looking at my hands in Hazelle's arm.

Someone cleared his throat, it's Thad.

"Yeah, we better go outside first." Thad seconded.

Lumabas nga sila ng kuwarto at naiwan kami ni Ella sa loob.

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. All that I can think now is the pain, physically and emotionally.

Ilang minuto na ang lumipas at nasayang pero walang nagsasalita sa aming dalawa, nagtitinginan kami at kung minsan pa nga ay nagkakasabay ng pagsulyap at nagpapaunahan naman sa pag-iwas kapag nagtatama ang mga paningin namin.

Napakagat ako sa labi, grabe ang dagundong ng kaba sa dibdib ko.

Pumikit ako at binasa ng laway ang pang-ibabang labi.

Humugot ako ng lakas ng loob ngunit nang magsasalita na dapat ako ay nauna na siya.

"I'm sorry," mahinang sabi niya. Naitikom ko ang aking bibig at dahan-dahang tumingin sa kanya. Ilang segundo pa bago niya ako nagawang tingnan sa mga mata. "About what happened yesterday." pinakatitigan ko siya sa mata, at doon ko napansin ang pamumula niyon.

"No. I should be the one who needs to apologize, sorry dahil pinipilit ko ang sarili ko sa'yo, sorry sa mga nagawa ko. Naisip ko rin na baka.. Dapat na rin siguro akong huminto kasi baka hindi ka na talaga komportable o baka nakukulitan ka na-

"Kiel, listen." utos niya sa akin, napayuko ako, parang may pakiramdam ako na hindi magiging maganda ang pag-uusap na ito, at kapag sinabi niya ang mga bagay na kinatatakutan ko ay baka hindi ko kayanin.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon