Walang kibo si Zachy hanggang sa makarating kami sa fine dining restaurant na nasa mismong loob ng isang 5-star hotel. Halos walang tao, marahil dahil mamahalin ang lugar. Iginiya kami ng waitress sa isang parang room.
Ang gaan ng ambiance ng lugar pero hindi ko maapreciate dahil sa sobrang kaba.
Everything's already set up. Halatang pinaghandaan, candlelit dinner, perfect sana kung hindi lang ako naiilang at kinakabahan. Hindi ko na din inalam kung kelan siya nagpareserved sa lugar na ito.
Gusto kong magtanong pero kinakabahan ako, parang nalunok ko ang sarili kong dila.
"Relax. We'll just eat." halos mapatalon ako ng marinig siyang magsalita, huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili, may halong kaba pa rin na tumango ako at nanginginig ang kamay na dinampot ang mga kubyertos.
"I said relax." tila naiinis nang ani Zachy.
Napabuga na lang ako ng hangin at binitawan na lang ang mga kubyertos.
"Z-Zachy.." maging ang boses ko ay nanginig.
"Kumain muna tayo, Mikaella. Please.. Sayang ang pagkain." hindi lumilingong aniya sa akin.
Palihim akong humugot ng hininga, paulit-ulit hanggang sa bahagyang kumalma ang nagwawalang tibok ng puso ko.
Nagsimula akong kumain, lihim akong naiiyak dahil kahit gaano ako kahilig kumain, kahit mukhang masasarap naman lahat ng nakahain, parang wala akong gana, hindi ko malasahan lahat ng pagkain.
Naging sunod-sunod ang pagsubo ko dahil sa kaba. At ng lumapit ang waiter sa lamesa namin para mag-alok ng inumin at magsalin ng wine ay inisang lagok ko iyon kahit pa tubig at juice lang dapat ang inumin ko. Ito ang unang beses na makatikim ako ng inuming may alcohol.
Nakapagtatakang hinayaan lang ako ni Zachy, marahil ay ramdam niyang kailangan ko iyon para kumalma. Binawalan lang niya ako ng maging sunod-sunod ang paglaghok ko ng wine, may mga pumasok na musician at mukhang kasama iyon sa reservation pero agad iyong sinenyasan ni Zachy kaya agad na lumabas ng kwarto, nagkunwari na lang ako na walang nakita at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa matapos kami.
Parang nawala ako sa sarili bigla, naging magaan ang pakiramdam ko, para akong nakalutang sa alapaap sa sobrang gaan ng nararamdaman, bagama't parang lumalabo ang paningin ko at bahagyang nahihilo.
"Happy birthday Zachareus! I love you so much, my best friend!" tumayo ako at hinila siya patayo, natatarantang inalis niya ang table napkin sa lamesa at hinawakan ako sa braso. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit.
"Hmm. You smell so good Zachy." isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Natawa ako ng malakas ng marinig ko siyang nagmura.
"You're already drunk? Damn wine! Hindi ko alam na malalasing ka dahil lang diyan. Lagot ako nito kay tito." nakita kong pabagsak niyang inilapag ang wala nang laman na bote pabalik, sa lamesa. Napanguso ako, galit ba siya dahil naubusan ko siya ng wine?
Rinig ko ang pagbulong-bulong niya." I don't know how to explain, anong sasabihin ko kung bakit hinayaan kitang uminom at malasing?" parang problemado siya samantalang nakabusangot ang mukha na pinanonood ko lang siya.
"What? Stop murmuring! Please? We just ate!" nagpout ako sabay ngiti ng malapad sa kanya, hinatak ko siya palabas ng kwartong iyon.
"Come, come! I've something for you, birthday boy!"
I don't know why, but I suddenly feel happy. Maybe it's because of Zachy's birthday.
"Careful!" medyo malakas na ani Zachy ng matapilok ako habang nasa daan kami papunta sa parking lot. Mabuti na lamang at nahawakan niya ako sa braso kung hindi siguro ay humalik na ang nguso ko sa semento.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Rastgele(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...
