20

642 64 29
                                    

"Everyone please get ready, there is School Bus accident, our ambulances will arrive in more or less than 10 minutes from now." mula sa pagkukwentuhan ay napatayo kami ng mga kapwa ko nurse na on break. Urgent ang pananalita ni Doctor Esguerra sa amin maging sa mga kasunod niyang nurses on duty din, may mga sinabi pa muna siya sa amin na paalala bago kami iniwan at sumama sa iba pang Doctor sa labas ng ospital para salubungin ang pagdating ng mga ambulansiya at medics team. Buong maghapon akala namin ay walang mangyayaring ganito, kundi kasi mga manganganak na babae ay mga matatanda at batang may sakit lang ang dinadala sa EHMC o Esguerra Hospital and Medical Center.

Kaya ngayon ay animo mga sabik na lumabas pa sila sa entrada ng ospital para salubungin ang pagdating ng mga ambulansiya.

"Grabe patapos na lang ang duty may humabol pang mga pasyente!" pabulong na sabi sa akin ni Megan. Tipid ko siyang nginitian at humawak sa batok ko habang dinidiretso ang likod. Nakakangawit at nakakapagod ang uri ng trabaho na napasukan ko pero masaya naman ako. Ito na lang yata ang nakakapag pasaya sa akin ngayon, ang makatulong sa mga pasyente at pagurin ang sarili.

"Here's your coffee Ma'am." napatingin ako kay Jomzel at binigyan din siya ng tipid na ngiti.

"Thanks." sabi ko sa kanya.

"Always, Ma'am." nakangiting aniya pa sa akin. "And of course for you, boss of bosses.." baling naman niya kay Megan na ngayon ay masama na agad ang tingin sa kanya, kahit kailan talaga ay parang aso at pusa ang dalawang ito. Naiiling na humigop ako sa coffee ko na binili ni Jomzel.

"Thank you, Doc!" pasupladang tinanggap ni Megan ang kape na inaabot sa kanya ni Jomzel.

"Ay galit pa rin??" nakahawak pa sa dibdib na tanong ni Jomzel sa kanya. Inirapan lang naman siya ni Megan sabay higop sa kape.

Nakita kong napangisi na lang si Jomzel habang parang na-aamaze na nakatingin sa kanya, ilang segundo rin iyon bago siya muling bumaling sa akin.

"May bus accident daw?"

Tumango naman ako. "May humabol pa bago matapos ang duty namin, akala ko petiks lang kami ngayon, hindi pala.." sagot ko sa kanya, kasunod niyon ay narinig namin ang sirena ng ambulansiya.

"Iyan na pala sila!" inilapag ni Jomzel ang kape niya sa lamesa at nauna pa sa pagtakbo para salubungin ang mga pasyente. Ganoon din ang ginawa namin ni Megan.

"Check the vitals." utos sa akin ni Doctor Esguerra na agad ko namang sinunod.

Paulit-ulit lang ang ginawa namin, lahat ay naging abala sa pagbibigay ng pang unang lunas sa mga estudyante na kasama sa aksidente. I-checheck ang vital signs, lalapatan ng pang unang lunas, gagamutin ang sugat at irerecommend for stitch, CT-Scan o X-ray.

"Excuse me nurse?" nakangiting humarap ako sa maganda at maamong boses ng nagsalitang babae, kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na animo ay ineeksamin ang kabuuan ko.

Napakunot noo din tuloy ako't pinaliit ang mga mata ngunit biglang kumabog ang dibdib ko ng mapamilyaran ko ang itsura niya. Ang kaninang naniningkit kong mata ay biglang nanlaki.

dO.Ob

Sunod-sunod akong napalunok at pilit kinalma ang sarili.

"Ate Mika ikaw nga!" pasimpleng napabuga ako ng hangin. Dumagundong lalo ang kaba sa dibdib ko.

Mas lalo siyang gumanda, para na siyang dalagang-dalaga, tumangkad din siya at mas lalong pumuti ang balat niya.

"I-It's been a very long time.." kinakabahan kong sinabi sa kanya.

"I missed you ate Mika!" patalon siyang bumaba sa kama at yumakap sa akin.

"Huk!" ang higpit ng yakap niya!

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon