May binago akong very very light sa last part ng Chapter 28. Nasa'yo na kung babalikan mo pa o continue na dito sa Chapter 29. 😉😊
"E-Ella, y-you're awake.." mukha niya ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang napaka-pamilyar na itsura ng silid.
Hospital.
"We're in the Hospital." sabi nito ng mapansin ang pagkunot ng noo ko.
I know that we're in a Hospital.
Kasabay ng pagka-alala ko sa nangyari ay naramdaman ko ang kirot na nagmumula sa gilid ng ulo ko.
Napahawak ako doon at napangiwi.
"Bakit dinala pa ako dito?" tanong ko sa sarili ko na mukhang nasabi ko pala ng malakas dahil ngayon ay kunot na ang noo ng lalaking kaharap ko.
"Of course dadalhin ka dito."
"I'm talking to myself, okay?" hindi ko mapigilang magtaray dahil naalala ko ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa.
Hindi siya nakasagot.
"Ella-"
"It's Mikaella Saavedra. You can't call me that way anymore."
Narinig ko ang malalim niyang paghinga.
"I'm sorry.."
"For what?" walang emosyon na tanong ko.
Nalilito kasi ako kung para saan ang sorry na iyon dahil sa sobrang dami niyang nagawang kasalanan at pananakit sa akin.
"For saving her instead of you-"
"Of course." pagputol ko sa sinasabi niya, bahagya pa akong natawa dahilan para mangunot ang kanyang noo. "Of course you will save her, she must be your priority. She's your fiancé. You should take care of her. I understand that you'll chose her thousands of times over someone."
Someone you didn't love anymore..
Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya pero walang salitang lumabas doon.
He's speechless.
"You don't understand.." maya-maya ay sabi nito na lalo lang nagdagdag ng apoy sa dibdib ko.
"How can I understand if no one makes me to?" sarkastikong bulong ko na mukhang narinig niya pa rin.
"Ibang-iba ka na, M-Mikaella.." umiiling na sabi nito.
"Ibang-iba na talaga ako, Mr. Fuentabella. Nagbago na ako. Nagbago ako ng dahil sa mga ginawa mo." mariin na sabi ko dahilan para lalo itong hindi makapagsalita.
"Pero hindi lang ako ang nagbago dito. Dahil marami ding nagbago sa'yo." sabi ko pa sa kanya.
"Ako pa rin naman 'to. Marami nga sigurong nagbago pero ako pa din 'to. Mikaella.. Walang nagbago sa nararamdaman ko."
"STOP!" maagap kong sinabi sa kanya sa kabila ng sobrang pagkagulat ko sa biglaan niyang pagbubukas ng topic na iyon. "Dapat lang na walang magbago sa nararamdaman mo para sa kanya. Dahil kapalit ng nararamdaman niyo sa isa't-isa ay ang nararamdaman nating dalawa. Don't hurt her, K-Kiel. Don't do to her the things that you did to me. Don't hurt her the way you hurt me." tumingala ako upang pigilan ang mga luha sa pagtulo.
"Hindi mo naiintindihan." iyon ang huling sinabi niya na hindi ko na nagawang sagutin pa dahil biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan namin at pumasok doon sila Hazelle.
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makabalik sa Isla. Base sa CT-scan result ko ay wala namang internal damage dahil sa pagkakabagsak ng kahoy sa ulo ko. Nagamot na rin ang sugat doon..
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...
