10

719 46 14
                                        

Lumipas ang mga araw ng hindi pa kami nakakapag-usap ni papa. Hindi din ako masyadong kumikibo sa kanila, ayokong makadagdag sa mga iniisip nila, kahit tuloy kailangan ng pirma ng guardian para sa exam ay hindi ako nagpapirma sa kanila, nahihiya kasi akong makaabala kaya kay manang na lang ako nagpapirma.

Natatakot din ako na mabigyan na naman sila ng sakit ng ulo kaya mas pinagbutihan ko pa ang pag-aaral ko, sa lunes ay Quarterly Exam na namin kaya todo review ako ngayon para maganda ang makuha kong scores at grades.

Araw ng sabado nang puntahan ako ni Zachy sa bahay para sunduin. Hindi kasi natuloy ang pagbe-bake namin ni Tita Lucila dahil naging busy ako sa pagaaral ng mga nakaraang linggo.

"Yes?" bungad ko sa kanya. Nakapambahay lang siya, pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya dahil napakalinis niyang tignan sa black niyang cap, white plain round-neck shirt, plain black shorts at authentic Nike snap on slippers na puti din tulad ng kulay ng shirt niya. Dahil doon ay alam na alam ko na wala siyang importanteng ipinunta dito.

"My mom asked to bring you home with me."

"Sure. Papunta na din ako sa inyo."

"Really?" tumango ako bilang sagot. Nakapambahay lang din ako, hindi pa nga ako nagsuklay at nag-messy bun na lang.

"Magpapaalam lang ako kay Manang." sabi ko sa kanya, hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at patakbo na kong nagtungo sa kusina. Agad ko namang nakita doon si Manang at nagpaalam. Wala kasi sila mama, wala din si lola at maging si Mia. As usual wala si papa at kuya Michael.

"Tara." tipid kong sabi kay Zachy at pinangunahan na ang daan palabas ng gate.

"Manong diyan lang kami sa kabila. Kina Zachy." nagsabi na din ako sa guard. Saglit pa silang nag-usap ni Zachy bago kami tuluyang nakalabas ng bakuran.

Tulad ng inaasahan ay nakahanda na lahat ng gagamitin namin ni tita Lucile sa maganda nilang baking area, kumpleto ang baking equipments niya na talagang inorder pa ni Zachareus sa ibang bansa, karamihan nga sa mga iyon ay hindi ko alam kung saan ginagamit o kung paano i-operate. Mangilan-ngilan lang sa mga naroon ang napapamilyaran ko, halos mga basic tools lang tulad ng spatula, measuring cups, mixer at iba pa na halos napag-aralan lang din sa School.

Masaya kong sinuot ang pink na apron, may disenyo iyong mga puso, na-touch ako dahil talagang nakaburda pa doon ang pangalan ko. Hindi na ko magugulat kung si Zachy ang may pakana niyon. Nailing na lang ako at humarap kay tita.

Masaya kaming gumawa ng cup cakes ni tita, na-enjoy ko mula sa pagtakal at pagsi-sift ng harina, pagmi-mix ng dry and wet ingredients at paglalagay ng finished mixture sa cupcake mould bago ilagay sa oven, naghintay kami ng ilang minuto at nang tumunog na ang automatic na timer ng oven ay masaya din namin 'yong hinango ni tita at nilapag sa pahabang mesa, natuwa pa ako sa dami ng toppings na pagpipilian, kung anu-ano ang ginawa kong design pero dahil hindi ako masyadong mahilig sa sweets kaya hindi ko tinadtad ang toppings, ayoko din na masapawan niyon ang natural na lasa ng cup cake na pinaghirapan namin ni tita Lucile. Halos patapos na kami ng biglang sumulpot si Zachy sa likod namin.

"Ay butete!" halos mapatalon pa ako ng makita siyang nakadungaw sa ginagawa ko, sa inis ay pinahidan ko siya ng icing sa pisngi.

"Gwapong butete naman." mayabang na ani Zachy habang tinatanggal ng daliri ang icing sa pisngi niya, nanlaki pa ang mata ko ng isubo niya 'yon at tikman.

"Ang dugyot!" natatawa kong sabi ng makita ang ginawa niya. He just chuckled and copy what I just did to him. Nilagyan niya rin ako ng icing pero sa tuktok naman ng ilong ko.

Syempre hindi ako magpapatalo kaya nilagyan ko ulit siya. Na agad niya ulit pinahidan ng daliri niya at muling isinubo. Napaka dugyot!

Hindi pa man ako nakakapag-react sa ginawa niya ay sinabuyan niya na ako ng harina sa mukha. Agad akong napabahing dahil doon. Nakita ko pa pagmulat ng mata ko na nakangiting pinagmamasdan kami ni tita Lucile.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon