CHAPTER 10
Samantha
Pilit kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi habang patuloy parin ako sa pag hakbang sa bawat baitang ng hagdan.
Bakit nga ba ako umiiyak? Dahil ba talagang nahulog na ang damdamin ko sa kanya kaya ngayon ay labis akong nasasaktan dahil sa aking nasaksihan kanina lamang?
Nakagat ko ang aking labi dahil sa naisip. Hindi ko lubos akalain na muli akong iiyak ng ganito ng dahil lang sa nakita at napanood ko. Pamilyar ang sakit at ang pakiramdam na sobrang bigat sa dibdib.
Binuksan ko ang pintuan noong makarating na ako sa pinaka itaas at isang sariwang hangin kaagad ang yumakap sa aking katawan.
Humakbang ako papunta sa gilid ng railings bago ko tinanaw ang paligid sa ibaba. Hanggang sa muli akong mapatitig sa kung saan at muling lumabas sa aking isipan ang imahe ni Kendrick at noong babaeng kahalikan niya.
Tinakpan ko ng aking palad ang aking mukha noong maramdaman na namang muli ang pag daloy ng aking mainit na luha galing sa aking mata.
“Pumapangit ang babae kapag umiiyak....”
Nagulat ako noong bigla akong may narinig na hindi pamilyar na boses. Umangat ang aking paningin at nakita ang lalaki sa aking tabi.
Inilahad niya sa akin ang isang puting panyo na mayroong disenyong mga bulaklak. “Sa bunso kong kapatid na babae ang panyong ito. Pero sa ‘yo na lang, kailangan mo iyan,”
Umawang ang aking labi habang nakatingin sa kanya. Nakatitig din naman siya sa akin gamit ang kanyang malambot na ekspresyon sa mukha.
Napakurap ako noong biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Kendrick. He used to looked at me like that, too.
Napasinghot ako bigla noong maramdaman na may bumara sa aking ilong. Everytime na umiiyak ako ay kasunod nito ay sipon.
Nahihiya kong kinuha ang panyo na iniaabot niya bago ko marahang pinunasan ang aking luha at nakayuko na suminga doon.
I heard him chuckled in amusement. Nahihiya ko naman siyang tinignan at nakitang hindi na siya sa akin nakatingin ngunit ngiting ngiti siya.
Ngumuso ako at tinignan ang kabuoan niya. Mayroon siyang dalang gitara, nakasabit iyon sa balikat niya. Iyong polo niya naman ay bukas ang ilang butones. Magulo rin ang pinong itim niyang buhok dahil sa hangin.
Guwapo siya, nakaharap man o nakatagilid. Malaki rin ang kanyang katawan at matangkad. Moreno ang kanyang kulay at mayroon siyang kulay brown na mga mata. Pansin ko rin ang mapipilantik nitong mahabang pilik mata na siyang mas lalong nag padagdag sa kanyang magandang hitsura. Matangos rin ang ilong niya, manipis ang labi at natural ang pag kakulay rosas no’n.
Tinignan niya ako pabalik noong maramdamang pinag mamasdan mo siya.
Ngumiti siya sa akin dahilan upang mapansin ko ang dimple niya sa kanyang kaliwang pisngi.
“Oks ka na ba?” Marahan niyang tanong sa akin.
Nahihiya naman akong tumango sa kanya.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...