CHAPTER 39

935 28 3
                                    

CHAPTER 39

Samantha

MIYERKULES na ngayon at isang araw na lamang ay uuwi na kami sa maynila. Dahil ilang araw nalang rin naman kami dito ay napagplanuhan naming mag punta sa isa sikat sa resort dito sa San Mariano. Ang Sky Resort.

Nakakatuwa dahil makakasama rin namin sina stacey at estella.

"Oh my god! Picture tayo!" Tumili si isabelle at hinigit kami sa gitna para sa picture.

Nandito kami sa labas ng mansion at hinihintay matapos ang mga lalaki na ilagay at ayusin ang mga gamit sa loob ng van na dadalhin namin sa resort.

Nginitian ko si stacey nang siya ang makatabi ko sa pag pipicture. Nginitian niya rin ako pabalik at mukhang nahihiya pa nga siya sa akin.

Inayos ni isabella ang camera niya bago niya tuwang tuwa na tinignan ang abala na si zake. "Babe! Picturan mo kami, dali!" Hinigit ni isabelle si zake sa braso.

Binitawan muna sandali ni zake ang mga gamit at kinuha ang camera kay isabelle bago siya pumwesto sa gitna at ayusin ang anggulo. Kinagat ko ang aking labi at lumapit lalo kay stacey ng mapansing medyo malayo ang distansya niya sa akin.

"Post na," Zake said.

Inakbayan ko si stacey para hindi maging awkward ang litrato. Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang mabilis niyang pag lingon sa akin at nanlalaki ang matang tinignan ako. Sinulyapan ko siya saglit bago ako muling humarap sa camera at ngumiti ng matamis.

"Tama na 'yan. Tara na, tapos na kami dito," Singit bigla ni laxus sa amin. Seryoso ang mukha at kung hindi ko lamang siya kilala ay matatakot akong lapitan siya. Parang bubulyawan ka niya bigla at susungitan.

Tumili sila vanessa at isabelle at naunang sumakay sa loob ng black van. As usual, roon ulit kami sa dulo ni kendrick nakapwesto. Pero kalapit namin sila stacey at zeus ngayon.

"Kayo na ba?" Nakangiti kong tanong kila zeus noong mag simula ng umandar ang van. Si zake ulit ang nag mamaneho.

Nahihiya akong sinulyapan ni stacey bago niya tignan si zeus at bahagyang tapikin ang braso.

Tumawa si zeus bago niya kuhain ang kamay ni stacey at halikan ang likod ng palad niya. "I'm still courting her," Tugon ni zeus at malambing na tinignan si stacey.

That gesture make me look at my fiance who's already looking at me with so much emotion in he's eyes. Malambing rin ang tingin sa akin. Napangiti ako lalo.

Mag katabi kaming dalawa ni stacey habang nasa mag kabilang side sila kendrick at zeus. Mahina akong natawa ng makitang kinurot ni stacey si zeus ng bahagya sa tagiliran.

"By the way stacey," I said.

Mabilis na lumingon sa akin si stacey at mukhang kinakabahan pa.

I chuckled softly and brush my hand in her arm a little. "Hey, c'mon. Are you still shy to me? Don't be, okay? We're friends naman," I said and smiled at her.

Nahihiya parin siya pero tumango naman sa akin. "O-okay..." Mahina niyang sagot.

Ngumiti ako ngunit bahagyang nangunot ang aking noo. Pamilyar talaga siya sa akin. Parang nakita ko na siya noon ngunit hindi ko maalala kung paano. Hindi na rin naman malabo na hindi ko siya makita kung gayong dito siya nakatira at lumaki. Saan ko ba siya nakita?

"Have we met before?" I suddenly asked, confused.

Natigilan siya at kahit hindi siya sa akin nakatingin ay nakita kong napatulala siya saglit at napalunok. Why she look so tense with my question?

A long silent filled the van. Bigla rin kasing tumahimik sila vanessa. Mukhang narinig nila ang tanong ko kaya tumahimik rin sila.

Nakagat ko ang aking labi at itinaas ang dalawang kamay. "Uhm, if your not comfortable it's okay. Sorry if i make you awkward, sorry..." I quickly apologise.

Nanlaki ang kanyang mata at bumukas ang kanyang labi na parang mayroon siyang gustong sabihin ngunit agad iyong naputol noong mag ring bigla ang cellphone ko.

Nahihiya akong ngumiti. "Uh...sorry. Excuse," I said softly.

Kinuha ko ang phone ko at awtomatikong gumuhit ang ngiti noong makita ko kung sino ang caller.

My daddy is calling.

"Who's the caller, wife?" Kendrick asked.

Tinignan ko siya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo dahil hindi niya makita kung sino ang tumatawag sa akin.

Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang screen ng phone ko. "It's daddy," I answered.

Marahan siyang tumango at hinalikan ang aking sintido. Sinagot ko narin ang tawag ni daddy at nilagay sa loud speaker para marinig rin ni kendrick ang sasabihin ni daddy.

Ramdam ko ang titig ng aking katabi kaya napatingin ako saglit sa kanya. Titig na titig si stacey sa cellphone ko gamit ang kanyang malungkot na mata. My forehead creased a little because of that.

Nawala rin agad ang atensyon ko sa kanya ng marinig ko ang masaya at malambing na boses ni daddy.

"[Hello, my baby?]" Malambing na bati ni daddy.

I giggled. "Hi daddy! Napatawag po kayo?" Masaya kong sagot.

I heard him chuckled lightly. "[Nothing much, baby. I just want to talked my daughter, i miss you so much my baby,]" Malambing na tugon ni daddy sa kabilang linya.

Napangiti ako. "Aw, i miss you too daddy..."

"[HONEY! IS THAT MY DAUGHTER?!]" Rinig kong sigaw ni mommy. Mukhang malayo siya kay daddy kaya ganoon.

Humagikgik ako at sumandal kay kendrick. Tumawa rin siya gamit ang kanyang mababang boses.

"[Honey, samantha is our daughter,]" Rinig kong pag tatama ni daddy kay mommy.

"[Give me the phone,]" Rinig kong natatawang sabi ni mommy at narinig ko rin ang pag agaw niya ng phone kay daddy.

Ngumiti ulit ako. "Hi, mommy!" Magiliw kong tawag sa kanya.

"[Oh my baby! How are you? I miss you so so so so so much!]" Malambing na sambit ni mommy.

"[Daming so honey ah,]" Natatawang sabat ni daddy. Mukhang naka loud speaker din sila.

"[Shut up, simon. I'm talking to my daughter,]"

Natawa ako bago sumagot. "I'm okay, mom. Oh! By the way, nabisita ko na rin po iyong house natin here. Nothing change and nanay delya is taking care of our house," Kwento ko sa kanya noong binisita namin ni kendrick ang bahay namin dito nila mommy at daddy.

"[I see. Just take care always, baby. I miss you. Sige na, enjoy your vacation with your fiance and friends,]" My mom said softly.

I nodded my head as if they will see me. I smiled. "Okay mom, i miss you too. I love you both! Mwah!"

"[I love you more, sweetheart,]" Sabay na sagot ni mommy at daddy sa akin bago nila pinatay ang tawag.

Naramdaman ko ang pag pulupot ng braso ni kendrick sa aking baywang bago niya halikan ang aking pisngi at noo. "Your parents is so sweet," Aniya.

I giggled. "Super,"

Napalingon ako muli kay stacey ng marinig kong mag salita siya. Nakatingin siya sa kawalan at sobrang lungkot ng mga mata niya.

"Sobrang sweet ng daddy mo samantha. Nakakainggit," Malungkot niyang sabi.

Napakurap ako ng mata at umawang ang aking labi. Rinig na rinig ko ang lungkot at pait sa kanyang boses. Namumula rin ang gilid ng kanyang mata na parang gusto niyang umiyak.

Kumunot ang noo ko. Stacey, who really are you?

________________________________________________________________________

:)

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now