CHAPTER 60

685 26 3
                                    

CHAPTER 60

Samantha

"Ouch...." Napangiwi ako at marahan na kinapa ang aking siko noong maramdaman kong mayroong kumirot doon matapos akong madulas dahil sa mga basang dahon na nag kalat sa daan.

Mabigat akong mabigat na bumuntong hininga at tiningala ang kalangitan. Natatakpan man iyon ng mga dahon sa puno ay sumisilip parin ang papadilim nang kalangitan. Unti unti na ring pumapatak ang mga malalaking butil ng mga ulan. Paniguradong malakas ang ulan ngayon. Ano ng gagawin ko?

Nakagat ko ang aking labi dahil sa aking nararamdaman. Gusto ko ng umiyak dahil sa takot. Mag isa lang ako dito. Hindi alam ang daan pabalik sa aking mga kaibigan at kaeskwela. Nag babadya pa ang malakas na ulan at paunti unti ng dumidilim ang buong paligid.

Pinagpagan ko ang aking kamay bago ako marahang tumayo. Pinagpagan ko rin ang aking sarili bago ko punasan ang aking pisngi noong dumaloy doon ang aking luha.

"Kendrick....." Mahina at nanginginig ang aking boses na pag tawag. Kahit alam kong wala siya dito. Nag babakasali parin akong marinig niya ako at puntahan dito upang iligtas at ilabas sa madilim at nakakatakot na gubat na 'to.

Marahan na muli akong nag lakad habang yakap yakap ang sarili dahil sa palakas na palakas na ulan at lamig ng hangin. Lumingon ako sa paligid, umaasang mayroon akong puwedeng silungan pansamantala ngunit wala akong makita kundi kadiliman. Pakiramdam ko ay para na 'kong bulag na nangangapa sa isang madilim na kagubatan.

"May.... m-may tao ba dyan?" Kinakabahan at nanginginig kong tanong noong mayroon nanamang kumaluskos na mga dahon.

Lumunok ako at pinahiran ang mukha dahil basang basa na 'ko sa ulan. Sumasabay narin sa pag agos ang luha ko sa pisngi. Kinagat ko ang aking labi noong mawala ang mga kaluskos. Siguro nga ay dahil sa takot ay napaparanoid na ako.

PERO noong muli akong humakbang ay nakarinig na naman ako ng mga kaluskos at parang bumagsak na isang bagay. Kunot noo at bagamat natatakot at nangangatog na sa lamig ay marahan akong nag punta doon.

Mas niyakap ko pa ang aking sarili at noong silipin ko ang likuran ng isang malaking puno ay umawang ang labi ko at wala sa saraling napaatras ng napaatras hanggang sa bumangga ang aking likuran sa isa pang puno at napaupo na lamang sa lupa.

Noong matitigan ko pa ng mabuti ang aking nakita ay tsaka lamang ako napatili at napasigaw dahil sa sobrang takot.

“AHHH!!!!”

PAGSASALAYSAY

“SAMANTHA! WHERE ARE YOU?!” Malakas na sigaw ni kendrick habang lakad takbong sinusuyod ang kagubatan.

Basang basa na siya dahil sa ulan pero hindi parin siya tumitigil sa pag hahanap. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas na iyon sa kanyang katawan ano mang oras. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kaba at takot na nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay mayroong mangyayaring hindi maganda.

“SAMANTHA! PLEASE STAY STILL! DON'T BE SCARED OKAY?! HAHANAPIN KITA!” Nag aalalang sigaw ulit ni kendrick.

“SAMANTHA?! WHERE ARE YOU?!” Dinig ni kendrick na pag sigaw rin ng kanyang mga kaibigan. Medyo malayo ang boses pero nasisigurado niyang namomoses roon si laxus at mark.

Mga kaibigan lamang ni kendrick ang nag hahanap ngayon kay samantha, kasama narin si mark doon. Ang ilan naman ay hindi na pinasama at pinatulong ng mga teacher dahil sa malakas na ulan at sa pag aalalang hindi na makabalik ang iba doon. Tumawag narin sila ng pulis at ambulance ngunit dahil halos bundok na ito ay ilang oras pa iyon bago makakarating dahil narin sa malakas na ulan.

“AHHH!!!!”

NANLALAKI ang mga matang pawang mga natigilan sila kendrick sa pag takbo. Sumabay sa malakas na tunog ng ulan at kidlat ang pag sigaw at tili na iyon. At nasisiguro nila kung sino ang may-ari no'n.

"Samantha....." Kinakabahan na bulong ni kendrick bago niya ilibot ang kanyang paningin sa paligid.

Malakas ang tili na iyon. Ramdam niyang malapit lang sa kanya si samantha ngayon. Tumakbo ulit siya ng tumakbo hanggang sa agad siyang matigilan noong makita niya si samantha.

NAKAUPO ito habang nanginginig na pulit isinisiksik ang kanyang sarili sa isang malaking puno. Nakaupo ito sa lupa at dinig na dinig din ang malakas at matunog nitong pag iyak habang takot na takot na nakatingin sa harapan.

Bumilis ang kanyang pag hinga noong sundan niya ang direksyon na tinitignan ni samantha. Kumuyom ang kanyang kamao at gulat na nanlaki ang kanyang mga mata noong makita niya kung sino at saan nakatingin si samantha.


“A... adrian.....”




________________________________________________________________________

:0

omg, anong meron?

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now