CHAPTER 61
ANO NGA BA ang mas nakakatakot? Iyong maiwan ka sa loob ng madilim na kagubatan habang umuulan ng malakas o.... iyong makita mo ang lalaking nakasama at nakausap mo lamang kanina na nakatingin na sayo habang nasa harapan din ng puno katulad mo?
"Adrian...." Puno ng takot at panginginig ang boses ni samantha.
Hindi niya na makontrol pa ang sariling panginginig ng katawan. Maging ang kanyang labi ay nanginginig na rin. Nanlalabo man ang mga mata dahil sa luha at tubig ulan ay malinaw niyang nakikita ang binata sa kanyang paningin.
Mahigpit niya lalong niyakap ang sarili. Dahil sa takot ay hindi niya na nagawa pang tumayo at tumakbo paalis doon. Hindi niya na alam pa ang tamang gawin sa mga oras na ito.
“Samantha?!”
Umiiyak na nag angat ng paningin si samantha noong marinig niyang may tumawag sa kanya. Nakita niya si mark na humahangos habang nakatitig sa kanya. Mabilis ang pag hinga na tila mo'y galing sa pag takbo. Basang basa din ito dahil sa ulan.
Nanghihina man ay pilit siyang nag sasalita. "Help.... h-help me mark.... im s-scared....."
“Shit samantha! Nag alala kaming lahat sayo. Don't worry your safe now okay?” Nag aalalang sambit ni mark habang nag mamadaling nag lalakad palapit kay samantha.
Ngunit bago pa man niya tuluyang malapitan si samantha ay agad siyang natigilan noong may tumatakbong lalaki ang lumapit agad kay samantha at yakapin ito ng sobrang higpit.
"Hush, baby..... im here.... shhhh.... im here, your safe now.... hush love...." Sinubukang aluin ni kendrick si samantha habang yakap yakap nito ang nanginginig na katawan ng dalaga.
Bahagya siyang lumingon at nahagip ng kanyang mga mata si mark pero inismidan niya lamang ito at tinignan ang paparating at humahangos niyang mga kaibigan. Mabilis ang mga itong nag tungo sa kanila ngunit natigilan lamang ng makita ang isa pang lalaki malapit sa puno.
“Shit!” Agad umiwas ng tingin si abraham at yumuko habang hawak hawak ang tiyan na tila mo'y naduduwal.
“Is that adrian?! What the fuck?!” Nagugulat ding tanong ni mark noong masundan niya ang tinitignan ng mga bagong dating na kaibigan nila kendrick.
“Yes, he is.” Seryoso at blangko ang tinig na tugon ni laxus. Ang paningin ay diretsong nakatitig kay samantha. Tumutulo rin ang butil ng tubig sa mukha nito dahil sa ulan.
"What the fuck happened to him?! Who fucking did this shit?!" Gigil na tanong ni abraham na tila mo'y mayroong sasagot sa kanya gayong parepareho lamang silang bagong dating.
Nilapitan ni zake ang binata na si adrian. "Putol ang mga daliri niya sa kamay. Warak naman ang kanyang tiyan at nawawala ang ilang lamang loob niya. I wonder kung mabangis na hayop ba ang gumawa nito sa kanya. Pero mukhang hindi....." Bumaliko ang ulo nito at mas lalong sinuri ang kaawa awang kalagayan ni adrian.
"Malinis ang pag kakahiwa sa tiyan niya. Parang ginamitan ng kutsilyo. Imposibleng mabangis na hayop ang gumawa nito sa kanya, dapat ay mayroong bakat sa balat niya ng pangil o ngipin. Kahit sa mga daliri niya, pantay ang pag kakaputol." Seryoso pang dugtong ni zake bago siya napapailing na lumayo sa wala ng buhay na katawan ni adrian.
Nilapitan niya si kendrick. "Walang mabangis na hayop ang kukuhanin lamang at kakainin ang iisang mata niya. Well...." Pabitin nito bago matunog na ngumisi. "Puwera nalang kung tao ang mabangis na hayop na 'yon...." Makahulugan nitong dagdag.
"Bumalik na tayo. Parating na ang mga pulis, hayaan niyo na sila dyan." Seryosong sambit ni laxus at lumapit rin kila samantha.
Akma niyang bubuhatin si samantha ngunit agad siyang sinamaan ng tingin ni kendrick. "Ako ang bubuhat sa asawa ko, del pilar. Get off," Seryoso sabi ni kendrick bago niya binuhat si samantha.
Walang nagawa si laxus kundi ang mag kibit balikat at seryosong panoorin mag lakad palayo sila kendrick at samantha. Awtomatiko namang sumunod sila abraham sa mga ito at iniilawan ang dinaraanan. Nahuhuli si laxus na seryoso parin. Kasabay niyang mag lakad si mark na ngayon ay palingon lingon sa katawan ni adrian pag katapos ay mag papakawala ng hindi makapaniwalang buntong hininga.
"Scared?" Tumaas ang gilid ng labi ni laxus noong itanong niya iyon kay mark.
Lumunok naman si mark. "Ngayon l-lang ako nakakita ng gano'n..... hindi ako makapaniwala...." Tugon nito.
Matunog na pag ngisi lamang ang isinagot sa kanya ni laxus kaya naman kunot noo siyang tinignan ni mark. "Ikaw?" Bigla ay wala sa sarili niyang tanong kay laxus.
Tumaas ang isang kilay ni laxus. "What about me?"
"I mean, bakit p-parang kalmado ka lang? Hindi kita nakitang nagulat sa nakita.... s-sanay ka na bang makakita ng gano'n?"
"What are you trying to say then?" Ngingisi ngising tanong ni laxus bagamat ang iritasyon ay makikita na sa mga mata nito.
Napakamot si mark sa batok. Mukhang hindi naging maganda ang pag kakasabi niya ng ibig niyang itanong. Mukhang minasama iyon ni laxus.
"W-wala naman..... sorry...." Tanging nasabi niya na lamang.
Seryoso siyang sinulyapan ni laxus. "Sanay na 'kong makakita ng ganitong sitwasyon, mark." Pag katapos ay tumigil ito dahilan upang huminto rin si mark sa pag lalakad.
"Payo ko lang sayo na.... umiwas ka sa 'kin dahil hindi mo pa 'ko kilala. Hindi lang ako ordinaryong basta kaibigan ni kendrick, mark..... higit pa 'ko ro'n." Seryoso ngunit may bahid ng mabangis, nag babanta at nananakot na ngisi sa labi na sambit ni laxus bago niya tapikin ang balikat ni mark at unahan ito sa pag lalakad.
Naiwan naman doon si mark na nakatulala at pilit iniisip ang ibig sabihin ni laxus sa kanya. Anong sinasabi niyang hindi lamang siya ordinaryong kaibigan ni kendrick?
________________________________________________________________________
:)
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romans"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...