CHAPTER 65
"Totoo bang tao ka, girl? Because seriously, you look like a human barbie doll," Sambit ng isang make up artist na bakla. Nag sasayaw sa mga mata nito ang pag kamangha, gayon narin sa dalawa pa nitong kasama na pawang bakla rin habang titig na titig sa mukha ni samantha.
Ngumiti ang dalagang si samantha. "Salamat po,"
Ngumiti rin ang tatlong bakla sa kanya. Ang isa ay hinaplos pa ang kanyang buhok. "Grabe, hindi pa kita naayusan, ha? Wala ka pang make up pero grabe talaga..... ang ganda ganda mo...." Mangha ulit nitong papuri.
Muli ay nahihiyang ngumiti si samantha at nag pasalamat. Nag simula na siyang ayusan ng mga bakla. Mayroon itong mga assistant na babae na tumutulong rin. Inayos ang buhok niya at bahagya iyong kinulot sa ibaba. Nilagyan rin ng maliit na korona na pang prinsesa ang ulo ni samantha. Kumikinang ang mga dyamante doon na siyang mas lalong nag paganda.
Bagay na bagay rin ang suot na gown ni samantha. Kulay pula iyon na mahaba, bagay na bagay sa theme ng venue na kulay pula na may halong itim at kulay ginto. Napangiti si samantha noong paulanan nanaman siya ng mga papuri ng mga taong nag ayos sa kanya. Lalo ring lumaki ang kanyang ngiti sa labi noong makita niya si kendrick na nakasilip mula sa siwang ng pintuan nang kanyang kuwarto.
Titig na titig ito sa kanya habang nakaawang ang labi. Mukhang hindi rin nito napapansin na nakikita niya na itong nakasilip sa kanya. Katulad ng mga kasama niya sa kuwarto ngayon, nandoon din ang labis na pag hanga sa kulay abong mga mata ni kendrick.
"Boyfriend?" Nakangiting tanong bigla sa kanya ni roderick. Ang isang bakla na nag aayos sa kanyang buhok.
Ngumiti si samantha dito. "He's actually my fiancé po...." Tugon niya dahilan upang mapatili ang mga nakarinig.
"Oh my god, gurl. Kanina ko pa siya nakikitang nakasilip sayo, susuwayin ko nga sana kaso ang guwapo kaya hinayaan ko na lang.... fiancé mo pala ayiee....." Pag tili pa ng isa.
"Oonga, grabe ang guwapo 'no? Suwerte mo, girl. Ang tangkad na, maputi at malaki ang katawan. Tiyak na malaki rin ang ano kyahhh!" Walang prenong sambit ng isa pa, kinikilig na para bang naiimagine ang huling sinabi nito.
Agad namang namula ang pisngi ni samantha dahil sa narinig.
SA KABILANG BANDA naman, sa malawak at magandang garden nila samantha nag hihintay ang mga bisita. Pawang mga nag mamahalan ang mga kasuotan ng mga ito. Humihiyaw sa karangyaan ang mga brand ng bag, rello at sapatos gayon narin ang mga kasuotan ng mga ito.
Mula sa malaki at engradeng gate ng mansion nila samantha ay huminto doon ang isang itim na limousine. Bumaba mula doon sila zeus at stacey. Noong umarangkada na ang limousine na sinasakyan nito ay huminto rin ang isang puting limousine. Lumabas mula doon sila abraham at estella.
BAHAGYANG napapikit dahil sa pag kasilaw ang dalawang dalaga na sila estella at stacey.
(Just in case na nalimutan niyo po, si stacey at estella ay iyong nakilala nila sa San Mariano noong mag bakasyon sila doon. Enjoy :>)
"Bakit nila tayo kinukunan ng litrato?" Mangha at kuryosong tanong ni estella.
Tumawa naman si abraham. "Every celebration, hindi nawawala ang mga photographer, estella. Paniguradong triple ang rami nila sa araw ng kasal nila samantha at kendrick, baka nga kahit hindi kilala ni kendrick ay imbitahan niya," Pag kuwan ay humalakhak ito na sinabayan ni zeus.
Namangha muli ang dalawang dalaga noong tuluyan na silang makapunta sa garden kung nasaan pa ang ibang bisita. Sobrang ganda, lawak at engrande. Hindi mabilang ang mga table at mga silya sa buong paligid.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...