CHAPTER 74

467 17 0
                                    

CHAPTER 74

Samantha

Stolen photos and a computer screen.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito na nakatulala habang pinagmamasdan ang buong paligid. Halos mapuno na ng litrato ko ang buong kuwartong ito. Umabot pa nga iyon hanggang sa kisame.

Mayroong nakangiti ako doon. Tumatawa habang kausap sila Isabelle. Mayroon ding seryoso ang mukha ko at kumakain. Halos lahat nandoon. At ang mas lalo ko pang ikinatakot ay iyong nakita kong familiar na background ng ibang mga picture.

Sa mansion iyon. May picture ako habang natutulog, nag babasa ng libro, nanonood ng tv, kumakain sa kusina at nakaupo sa living room. Mayroon din na nasa garden ako at nasa swimming pool.

“I can't believe this, K-Kendrick....” Bulong ko habang pinupunasan ang aking luha.

There's a computer screen too. Marami iyon at nakakunekta rin sa loob ng mansion namin. Para iyong CCTV footage. Kitang kita ko mula sa screen ang kuwarto ko. Ang kusina, ang hallway, living room at swimming pool, even sa garden ay mayroon at sa labas ng pintuan ng kuwarto ko.

Tinakpan ko ang aking labi noong mapahikbi ako. Bakit niya 'to ginagawa? Bakit mayroon siyang mga ganito? Bakit mayroon siyang stolen shots na mga picture ko?! Ibig sabihin ba no'n ay pinapasundan niya ako? At bakit may CCTV siya sa mansion namin? Para ba mapanood niya ako?

“His a psychopath!” Biglang dumagundong sa pandinig ko ang sinabi ni George noong nasa palawan pa kami.

“This can't be....” Umiling iling ako.

Posible bang totoo ang mga sinabi ni George sa akin? Mayroon na akong namumuong ideya sa isipan ko five days ago pero ipinagsawalang bahala ko iyon dahil sa aksidenteng nangyari sa mommy ni Kendrick. Hindi ko na muli iyon binuksan pa dahil sa lagay narin ni Kendrick.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Noong tignan ko iyon ay nakita ko ang isang unknown number.

Unknown Number :

Curiosity can lead you to the truth. So don't be afraid to find out who's the real and who's pretending.

Nangunot ang noo ko dahil doon. Ang gulo, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sa akin. At itong Unknown number na ito, iba ito sa dati pang nag tetext sa akin. Ibang number naman ito ngayon.

Biglang may lumabas na bagong message mula sa Unknown number na iyon.

Unknown Number :

Don't trust anyone.

Bigla akong kinabahan dahil sa huli niyang mensahe. Ano bang ibig sabihin niya? Ang dami ko ng isipin ngayon at dinagdagan niya pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mabilis akong lumabas sa secret room na 'yon at muli iyong isinarado. Siguro.... siguro kakausapin ko na lang si Kendrick tungkol dito kapag maayos na ang lahat.

Pinunasan ko ang aking luha habang dala dala ang isang bag na nag lalaman ng mga gamit ni Kendrick. Muli akong sumakay sa aking kotse at nag maneho pabalik sa hospital. Noong makarating na ako doon ay agad akong bumaba sa aking kotse at lalakad na sana papasok sa loob ngunit biglang may humawak sa braso ko.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now