CHAPTER 64
Samantha
"Laxus...." Banggit ko sa kanyang pangalan dahil sa gulat habang hawak hawak ang bugkos ng bulaklak na kanyang ibinigay sa akin.
Ngumiti siya at inayos ang tux na kanyang suot. "You look so very gorgeous," He compliment.
Pilit akong ngumiti at nag pasalamat sa kanya. Kanina lang ay kinabahan ako dahil sa kalabog ng pintuan ngunit siya lang pala iyon. Masyado akong natakot at alam kong gayon din si mommy na mukhang ngayon lang din napansin ni laxus.
Bumeso siya kay mommy. "Hello po tita sab,"
Ngumiti rin si mommy sa kanya. "Hello, hijo. Ang guwapo mo, bagay na bagay sayo ang tuxedo," Agad niyang papuri kay laxus.
Lumaki ang ngiti sa labi ni laxus dahil mukhang natuwa siya sa sinabi ni mommy. Lalo pa siyang tumayo ng tuwid at tumindig. "Salamat tita sab, sobrang ganda niyo rin po, no wonder kung bakit maganda din si samantha." Mahina pa itong humalakhak na sinabayan din ni mommy.
"Na 'ku, ikaw talaga bata ka. Pero bakit ba kumalabog iyong pintuan kanina? Pinakaba mo 'ko, ikaw talaga." Tanong bigla ni mommy, napatitig din tuloy ako kay laxus upang hintayin ang sagot niya.
Nahihiyang tumawa si laxus at kumamot sa batok. "Nauntog po kasi ako tita," Sagot niya.
Gano'n na lang tuloy ang pag kunot ng aking noo dahil doon. Nauntog siya? Bakit siya nauntog? Mas lalo akong napatitig kay laxus.
"Hmm, mag ingat ka kasi," Paalala sa kanya ni mommy. Mukhang naniwala siya sa sinabi ni laxus.
"Good evening tita, sorry, did i interrupt something?" Mukhang nagulat pa si kendrick noong makitang nasa loob ng kuwarto ko si laxus.
Agad siyang nginitian ni mommy. "Oh no, son. It's okay, grabe ang guwapo mo, teka halika ayusin ko ang tie mo,"
Nakagat ko ang aking labi upang sana ay mapigilan ko ang aking pag ngiti ngunit hindi ko na iyon napigilan pa dahil sumilay na iyon lalo na noong mapanood ko kung paano ayusin ni mommy ang tie ni kendrick. Maging ang kuwelyo ng suot nitong gray na tuxedo ay inayos din ni mommy.
"Salamat po tita," Agad gumanda ang ngiti ni kendrick.
"O siya, labas na muna ako, ha? Happy birthday anak, mommy's love you so much," Hinalikan ako sa noo ni mommy.
"Thank you mommy, i love you," Ngumiti ako at pinanood pa siyang makalabas sa pintuan ng aking kuwarto.
Doon lamang lumapit sa akin si kendrick. Malalim na nakatitig sa akin bagamat nakangiti. "Happy birthday, baby. I love you...." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
Pag katapos ay doon ko lang din napansin ang dala niyang pulang bugkos ng bulaklak. Inilahad niya iyon at nangunot ang kanyang noo ng makitang mayroon na akong hawak. Mabigat siyang bumuntong hininga at tinaliman ng tingin ang kaibigan sa kanyang likuran bago niya kuhain ang bulaklak na bigay sa akin ni laxus at ipalit ang kanya. Nilapag niya naman ang bulaklak na bigay ni laxus sa lamesa.
Ngumiti na lamang ako at inamoy ang bulaklak na bigay niya. Hindi ko rin makita si laxus sapagkat hinaharang ni kendrick ang paningin ko. Talagang sa harapan ko siya pumwesto kung saan talagang sigurado siyang matatalikuran niya si laxus at mahaharang ang paningin ko para hindi makita ang kaibigan niya. Gano'n siya nag seselos kay laxus.
"Thank you for this, hubby. And...." Pinilit kong makita si laxus at noong masilip ay nakita kong nakatingin narin agad ito sa akin. Ngumiti ako. "Thank you for the flowers din pala, lax." Sambit ko na agad niyang tinanguhan at nginitian.
Mabigat naman na bumuntong hininga si kendrick bago siya pumwesto sa aking tabi at hawakan ang aking baywang bago niya hinarap si laxus. "What are you doing here, jerk?" Seryosong tanong ni kendrick.
Halatang nag seselos at napipikon. Hindi ko alam pero parang galit na galit palagi si kendrick kay laxus. Lalo na sa tuwing makikita niyang lumalapit o kinakausap ako ni laxus. Hindi ko na alam kung dahil pa ba iyon sa selos o mayroon pang personal na dahilan. Hindi ko na alam.
"Just greeting the birthday girl, man." Pag ngisi ni laxus.
Umigting tuloy ang panga ni kendrick. "I said don't fucking make a move, laxus." Gano'n nalang kaseryoso ang boses ni kendrick noong sabihin niya iyon.
Kumunot naman ang noo ko.
Inilagay ni laxus ang kanyang kamay sa bulsa bago siya ngingisi ngising sinulyapan ang kamay ni kendrick na nasa aking baywang bago ito natatawang tinignan ulit sa mga mata si kendrick. "Make a move, really, man? How can i make move to her if you keep on staying by her side? Paniguradong naiirita na sayo si samantha,"
"Laxus...." Saway ko kaagad.
Totoong hindi umaalis sa tabi ko si kendrick. Not literary na pati sa pag punta ko sa banyo ay sinasamahan niya ako, nasa labas lang siya. Talagang nasa pintuan. At pag kalabas na pag kalabas ko sa banyo ay agad niyang yayakapin at hahalikan ako sa noo na para bang gano'n katagal kaming hindi nag kita at namiss niya kaagad ako. I find it weird but cute, maybe clingy lang talaga si kendrick. Nasanay narin akong gano'n siya at hindi ako nag sasawa. Hinahanap hanap ko pa nga iyon.
"Your just insecure, laxus. Kasi hindi mo 'yon magawa sa kanya," Ganti naman ni kendrick. Naiirita na.
Nawala sandali ang ngisi ni laxus sa labi bago ito mag iwas ng tingin. "Psh," Bulong na asik nito bago niya ako tignan. "I'll go now, sam. The immature is here, ayaw kong makipag away." Pag suko nito bago niya ako ngitian. "Happy birthday, enjoy." Dugtong nito bago niya inirapan si kendrick at ngisihan at tuluyan ng umalis ng kuwarto.
"Crazy jerk," Asik na bulong ni kendrick na hindi nakatakas sa aking pandinig.
________________________________________________________________________
Double Update! Enjoy reading!
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...