Chapter 26
Samantha
"Oh my god,"Bahagyang nanlaki ang aking mata at napatakip ang aking palad sa aking bibig ng ilibot ko ang aking paningin sa buong paligid kung saan kami tumigil ni mark.
Ramdam ko ang titig sa akin ni mark bago siya tumikhim. "Do you l-like it?" Marahan n'yang tanong.
Tumingin ako sa kanya bago tumango at alisin ang aking palad sa aking bibig. Malapad akong ngumiti sa kanya at muling tinignan ang buong paligid. "Gosh, mark. I love this place!" Tuwang tuwa kong sambit.
Ang kaba at takot na kanina ko pa nararamdaman ay bigla na lamang nawala dahil sa ganda ng lugar na 'ito. Kahit hapon na ay kita pa 'din ang kagandahan ng malawak na hardin na 'ito.
Agad lumiwanag ang mukha ni mark at ngumiti rin sa akin ng malaki. Huminga siya ng malalim. "Great! Akala ko hindi mo magugustuhan," Aniya.
Ngumiti ako at tsaka hinawakan ang kanyang kamay upang higitin siya roon sa tulay na aking nakita. Hindi naman kalayuan kung nasaan 'yon. "Oh my god, let's go to that bridge," Tuwang tuwa kong pag tili.
Ngiting ngiti kong tinitigan ang ibaba ng tulay. Isa iyong lawa na sobrang linaw ng tubig. Halos makita na ang mga bato sa ilalim n'on maging ang mga isdang lumalangoy roon. Napaka ganda."Ang gandang pag masdan ng mukha mo lalo na kapag masaya ka. Kumikinang rin ang mga mata mo," Bigla akong napatingin kay mark ng mag salita 'ito.
Nahihiya akong napa iwas ng tingin dahil nakatitig siya sa akin. May kakaibang kislap rin sa kanyang mga mata habang pinapanood akong mamangha sa lugar na ito.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng ilang dahil doon. Tumikhim ako. "Uhm, thank you. By the way, this place is so beautiful. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Tanong ko.
Ngumiti siya at inilibot ang kanyang paningin sa paligid bago siya muling tumingin sa akin. "This is my mother property," Tugon n'ya.
Napatango tango ako at tumingin muli sa lawa. Bigla ay naalala ko rin ang lugar kung saan ako dating dinala ni kenny. Maganda rin doon at sobrang sarap sa pakiramdam kapag makikita mo ang lugar na 'iyon. Kapareho lang ng lugar na ito.
Napangiti ako. Katulad ng sagot sa akin ni kenny na sa kanyang ama ang lugar na iyon. Ang sagot naman sa akin ni mark ay sa kanyang ina ang lugar na ito.
"Look sam," Napatingin ako roon sa direksyon kung saan itinuturo ni mark.
Nanlaki ang mata ko at umawang ang aking labi. Isang iyong lugar kung nasaan naka pwesto ang mga bulaklak. Iba't ibang kulay at uri ng bulaklak na 'iyon. Marami ring lumilipad na mga paru-paro roon maging mga ibon na tila mo'y mga nag lalaro sila.
"Can we go there?" Nakangiti kong sambit at itinuro kung nasaan ang mga pulang rosas.
Tumango siya sa akin at siya na mismo nag humawak sa aking palapulsuhan at nag lakad kami papunta sa direksyon n'on.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...