Warning : You may encounter, Physical Abuse, Mental Abuse, Sexual Abuse, Violence, Murder, Mental ill, Cannibalism. Please, be warned. Baka may ma-trigger sa inyo sa ibang scenario.
Open minded din ang kailangan sa point of view na ito. Kailangan ko lamang ipakita ito upang malaman ninyo ang side ni Mark. Don't comment anything mean, please.
.....
Mark : Hello, guys. Welcome to my long point of view. Are you sure that you're going to read this? If it yes. Then, good luck.
I HAVEN'T EAT ANYTHING FOR ALMOST ONE WEEK AND TWO DAYS NOW. Sobrang gutom na gutom na ako. Hindi pa nakatulong sa akin ang labis na pananakit ng aking sikmura dahilan upang mas lalo pang mang hina at maubos ang lakas sa katawan ko. Tanging tubig na lamang ang siyang bumubuhay sa akin na ngayon ay ubos narin.
Nanginginig ang aking katawan na sumalampak sa isang tabi matapos kong subukang manimot nang tubig mula sa galon. Mayroon namang pumatak na ilang butil doon ngunit hindi iyon pumatid sa labis na uhaw at gutom na nararamdaman ko ngayon.
Sumandal ako sa malamig na pader habang nakaawang ang nanunuyo kong labi. Halos hindi na ako makapag salita. Hindi narin ako makahinga ng maayos. Pakiramdam ko ay tuyong tuyo na ang lalamunan ko. Maging laway ay wala narin ata ako.
Biglang gumuhit ang matinding pag sakit sa aking sikmura dahilan upang mamilipit na namang muli ako. Pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw sa sakit dahil ayaw kong mag alala sa akin ang kasama ko.
Kagat kagat ang labing tumulo ang luha sa mga mata ko. Kumuyom din ang nanginginig kong mga kamay habang pinipilit ang sarili na huwag gumawa ng kahit na ano mang ingay.
I don't understand. Bakit nangyayari ang mga ito sa buhay ko? Bakit ang taong siyang dapat na bumubuhay sa akin ay pinahihirapan ako ng labis ngayon?
“Ang sama mo, Pa. Ang s-sama sama mo....” Nahihirapan kong bulong habang namimilipit parin sa sakit.
Nirerespeto ko si Papa. Tinitingala ko siya at ini-idolo. Ngunit simula nang gawin niya ang mga bagay na katulad na ito sa akin ay paunti-unti iyong nawawala.
Sa tuwing nakikita ko siya ay natataranta na ako palagi. Alerto ang aking katawan sa mga puwede niyang gawin. Ang tingin ko na sa kanya ay isang halimaw. Isang mabangis na halimaw na maaari akong saktan ano mang oras niya gustuhin.
Bigla kong naalala ang huli niyang sinabi sa akin matapos niya akong ikulong sa loob ng punishment room na ito.
“Wala akong anak na katulad mong lampa, Angelo. Hindi ako makapaniwalang natalo ka pa ng anak nang body guard mo sa away. Partida mas matanda ka pa ng dalawang taon sa batang iyon. Pero mas malakas pa siya kaysa sa iyo. Pinahiya mo ako. Walang kuwenta, tsk.” Umismid pa ito sa akin bago siya mag lakad palabas ng punishment room.
Noong oras na sinarado nila ang purong bakal na pintuan ay doon ako sumigaw ng sumigaw. Gusto kong sabihin sa kanya na sinadya kong mag patalo. Dahil una pa lamang naman ay wala na akong balak makipag-away.
Pero tinudyo niya ako kaya wala akong nagawa. Pero hindi ibig sabihin no'n ay puwede ko ng saktan ang musmos na puslit na iyon. Mas matanda parin ako sa batang 'yon at hindi ko kayang manakit ng katulad niya.
Dahil hindi ako katulad si Papa.
Matapos umalis ni Papa nung araw na iyon ay dumating ang tatlong tauhan niya. May dala dala ang mga ito na tatlong galon na may lamang tubig. Alam ko na agad kung para saan iyon. Noong hanapin ko na ang pag kain ay wala akong mahagilap. Agad akong kinabahan.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romansa"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...