CHAPTER 73

496 16 0
                                    

CHAPTER 73

Samantha

“I s-swear, we didn't do anything,” I stuttered while trying to explain to him.

Nandito na kami ngayon sa loob ng kuwartong tinutuluyan namin. Kanina, tahimik lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta dito. Galit siya pero wala siyang imik. Kalmado ang kilos niya pero galit ang mga mata niya.

Seryoso niya akong tiningnan habang prente siyang nakaupo at nakasandal sa isang single couch na nasa harapan ko lang din habang ako ay nakatayo.

“Did he said something?” Walang emosyon niyang tanong.

He tried to kill me! Mariin akong pumikit noong bumalik sa isipan ko ang sinabi ni George kanina.

Umiling iling agad ako habang hindi ko magawang salubungin ang nakakatakot niyang tingin. “N-nothing....” Kinakabahan kong sagot.

Lumiit ang mga mata niya sa paninitig niya sa akin. Parang hinahalukay niya ang laman ng isipan ko.

His a killer! Kumuyom ang kamao ko. Para na akong maiiyak dahil doon. This can't be true. Hindi totoo ang mga sinabi ni George sa akin. Wala siyang pruweba. Mabuting tao si Kendrick at alam ko iyon.

Pero bakit natatakot parin ako?

“Then why are you stuttering? You look so scared to me.” He said seriously.

Nanginig lalo ang kamay ko kaya't itinago ko iyon sa aking likuran. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ayaw kong maniwala. Hindi ako naniniwala kaya dapat ay wala akong katakutan pero tinatraydor ako ng sarili kong katawan. Parang mayroong nag tutulak sa akin na buksan ang napagusapan namin ni George kanina pero wala akong lakas ng loob para doon.

Umiling ako muli. “I p-promise.... he said n-nothing. Kinamusta niya lang ang k-kalagayan ko....”

Tinitigan niya muli ako bago siya marahang tumango at tapikin ang hita niya. “Come here,”

Lumunok ako bago ako marahang nag lakad palapit sa kanya at naupo sa kanyang kandungan. Pinulupot niya naman agad ang kanyang braso sa aking baywang bago niya ako niyakap ng mahigpit at isubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam kong inamoy niya iyon at pinatakan ng magagaang mainit na halik.

Nanginginig naman ang aking kamay na hinaplos ang buhok niya. “H-hubby....” Tawag ko sa kanya.

“Hmm?” Humigpit lalo ang yakap niya sa akin.

“Anong g-ginagawa mo kanina sa likuran namin? Paano.... p-paano mo nalamang nandoon kami?” Nauutal kong tanong.

Hindi ata ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan. Kahit hindi ko paniwalaan si George. Mayroon parin sa parte ko na gustong alamin ang lahat. Kung nag sisinungaling ba siya o hindi.

Umangat ang paningin niya sa akin bago niya hinaplos ang pisngi ko. “Sinundan ko kayo....” Paos ang boses niyang tugon sa akin.

Nanindig naman ang balahibo ko. “W-why?”

Kumunot naman ang noo niya bigla. “Dahil nakita kong hinihila ka niya palabas sa comfort room. You look so scared that why i got mad and followed the both of you. Malay ko ba kung mayroon siyang gawing masama sayo,”

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now