CHAPTER 07

2.1K 54 0
                                    

CHAPTER 07

Samantha

"Takecare sweetie!!"

Napangiti ako ng marinig ko pa ang sigaw ni mommy ng makalabas na ako sa pintuan ng aming mansion. Papunta na ako sa garahe kung nasaan ang mga kotse.

Agad akong sumakay sa mustang na aking kotse at tsaka ko iyon pinaandar patungo sa eskwelahan.

After a couple of minutes when i arrive in school. As usual, pag kababa ko palang ng kotse ay isang kumpol agad ng estudyante ang bumati sa akin. Maging ganon rin ang mga estudyanteng makakasalubong o makakasabay ko sa pag pasok sa loob ng university. Binabati at nginingitian korin sila bilang pag bati.

Nasanay na akong ganito palagi. Sa new Zealand palang ay ganito na kaya nasanay na ako.

Nasa kalagitnaan na ako ng corridor ng building ng biglang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"BESSS!! SAMANTHA WAIT!!!"

Nakangiti akong lumingon nang marinig ang matinis at natutuwang boses na iyon. Lalong lumawak ang pag kakangiti ko ng makita ko ang matalik kong kaibigan na si vanessa.

Medyo malayo pa ang distansya namin ngunit rinig na rinig ko ang tuwang tuwa nyang pag tili habang kumakaway sa akin. Kumaway rin ako sa kanya at bahagyang natawa ng mabilis syang tumakbo sa akin.

Mahina akong napatili ng muntikan na kaming matumba ng patalon nya akong niyakap dahilan upang muntikan na kaming matumba pareho. Mabuti na lamang ay nabalanse ko ang aking sarili upang hindi kaming tuluyang matumba.

Natutuwa syang humiwalay sa akin at tsaka nya inayos ang buhok kong nagulo dahil sa pag yakap nya sakin.

Bahagya syang ngumuso. "Imissyouuuuuuuuu," malambing nyang sambit at tsaka nya masuyong hinalikan ang mag kabilang pisngi ko. Napangiti ako lalo dahil sa kanyang ginawa, nakasanayan ko na iyon.

"Imissyoutoo van," malambing koring tugon at tsaka sya niyakap ng mahigpit at halikan rin ang kanyang mag kabilang pisngi.

Bahagya ko pang inayos ang iilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha bago ko sya tignan muli. Pareho kaming natawa bago nya hawakan ang aking braso at sabay kaming nag lakad.

"Anong section mo?" I asked.

Lahat nang estudyante sa hallway ay tinititigan kami at binabati rin.

We greeted them back and smile at them. I also wave my hand on them sometimes.

"Class A, ikaw?" Tugon nya at tsaka napaisip na parang may naaalala sya. Ngumiwi sya ng bahagya sa akin. "Aishh malamang class A ka din sa talino mong yan!" Aniya at tsaka malakas na tumawa na syang dahilan upang mas lalo kaming tignan ng mga estudyante.

Napangiti ako at napailing.

"Yeah, right," nangingiti kong sambit.

PUMUNTA kaming locker. Nakakatuwa dahil mag kalapit lang ang aming locker.

Sa pag bukas ko nang locker ko ay agad akong napapikit ng mangalaglag ang mga papel doon. Hindi iyon ordinaryong papel. Iba't iba ang kulay dahil isa iyong love letter. Ang dami non kaya naman napatingin ang halos lahat ng nandito sa akin pati sa floor kung saan nag kalat ang mga love letter.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now