CHAPTER 37

1.1K 33 6
                                    

CHAPTER 37

Samantha

Noong sumapit ang hapon ay nag tungo kami sa isang grocery store upang mamili ng mga pag kain. Bigla kasi silang nag aya na manood ng movie marathon at since matanda na si lola zanya ay walang stock ng mga titserya doon sa kanyang mansion dahil puro healthy foods ang naroon.

Kasama namin sila abraham, gayon din si kendrick dahil ayaw niyang umalis sa tabi ko. Kahit saan ata ako mag punta ay palagi niya akong sinasamahan. Kasama rin namin si vanessa at isabelle. Nag paiwan naman sa mansion sila laxus, zeus pati narin si zake.

PUMASOK na kami sa isang convenient store. Pumili kami ng iba't ibang mga pag kain na pwede naming kainin sa panonood para mamaya.

"He 'to! Gusto ko 'to! Chocolates!" Isabelle giggled.

Nahawa ako pag tawa niya at tinulungan siyang mag lagay sa cart ng mga chocolates. Mostly ay tobleron.

"Bibili ako ng beer, huh?" Pag papaalam ni abraham.

Kita kong inirapan siya ni vanessa. "Mukha kang alak! Baka mamamatay ka na lang alak parin nasa isip mo! Isama mo narin ang mga babae mo!" Bigla ay inis nitong sumbat kay abraham.

Gulat at umawang ang labi na tinignan siya ni abraham bago ito tumawa at guluhin ang buhok ni vanessa na parang bata.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa 'kin hmm? May ginawa ba 'ko sayo? Kaninang umaga ka pa iritang irita sa 'kin," Parang batang sabi ni abaraham at ngumuso pa.

Kita kong mabilis na napektuhan si vanessa roon at nag iwas ng tingin. Tumawa ako ng bigla nitong kuhain ang mga oishi na titserya. Iyong maanghang pa ang kanyang nadampot.

"Oh! Bakit yan? Hindi ka naman mahilig sa maanghang ah?" Nag tatakang tanong bigla sa kanya ni abaraham.

Namula tuloy ang pisngi ng best friend ko dahil sa hiya. "Tse! People change 'no! Paborito ko na 'to ngayon, tabi nga." Kunwaring pag susungit nito kay abraham at mabilis ba umalis.

I giggled while watching them. Para silang aso at pusa dahil palagi silang nag aaway. Kendrick chuckled too before he hold my waist again.

Nag tungo na kami sa counter upang bayaran ang aming mga pinamili. Nakita ko agad ang isang babaeng morena na nakaupo sa mono block habang papikit pikit ang mata. Parang pagod na pagod siya at inaantok.

Napalabi ako at tinignan ang gilid ng kanyang damit kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.

Stacey. Her name is beautiful like her.

Tumikhim ng medyo malakas si abraham dahilan upang mapatayo dahil sa gulat iyong babae na sa tingin ko ay cashier na may pangalang stacey. Nakailang kurap siya habang nakatingin kay abraham bago lumipat ang tingin sa amin o sa akin.

Nahihiya akong ngumiti ng titigan ako nito sa aking mata. Nakita kong kumunot ang kanyang noo na parang inaalala niya ang aking mukha. Mayroon ring pag tatanong sa kanyang mata at iba pang emosyon na hindi ko maintindihan.

Bigla kinatok ni abraham ang counter. "Hello miss, can i asked something?" Tanong ni abraham rito.

Agad akong napailing at mahinang natawa dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin. Sa ilang buwan na nakakasama ko sila abraham ay alam na alam ko na ang mga the moves niya sa babaeng type niya.

Halatang lalandiin niya si stacey dahil maganda ito. Tumingin ako kay vanessa at nakita kong nakasimangot na ito at masama ang tingin sa sahig. Mukhang nag seselos.

Mayroon siyang tinanong sa cashier na si stacey hanggang sa mag bayad na si kendrick ng mga pinamili namin. Marami iyon pero mukhang wala siyang pakialam at siya na mismo ang nag bayad ng lahat.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now