CHAPTER 67
Samantha
AFTER 18 roses, we also had 18 candles and 18 balloons. Pag katapos no'n ay nag kainan na kaya bumalik na muna ako sa aking kuwarto upang palitan ang aking suot. My mother help me to change my outfit into a red cocktail tube dress.
Noong matapos akong mag palit ay agad kaming bumaba ni mommy sa garden kung nasaan ang mga bisita. Nag hiwalay lamang kaming dalawa upang asikasuhin ang mga ito. Ako naman ay nag punta sa bawat table upang mag pasalamat sa pag dalo nila sa kaarawan ko. Medyo natagalan pa ako dahil iyong iba ay napakuwento pa. Noong mag punta naman ako sa table ng mga business partners ng parents ko ay wala silang tigil sa pag puri sa akin. Gayon din ang iba pang mga negosyante.
NOONG sa wakas ay mapuntahan ko na ang halos lahat ay nag tungo naman ako sa table kung nasaan ang aking mga kaibigan. Nandoon din si kendrick. Noong makita nila ako ay agad silang tumayo at bumati sa akin. Si kendrick naman ay agad pumwesto sa aking tabi at ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang.
“Hey, sam. Stacey wants to greet you,” Pag kuha ni zeus sa aking atensyon.
Lumaki naman ang aking ngiti at tinignan si stacey na ngayon ay namumula na ang dalawang pisngi dahil nahihiya. "Uhm, happy birthday, samantha. Sobrang ganda mo...." Malambing at nahihiya niyang bati sa akin.
Nangingiti ko naman siyang niyakap dahilan upang matigilan siya bigla. I guess she's still shy to me. I giggled. "Thank you for coming stacey, estella. I'm so happy...." I said sincerely.
Lumaki din ang ngiti sa kanyang labi. Bumuka ang bibig niya upang sana ay mag salita ulit ngunit naunahan siyang mag salita ng tao sa aking likuran. Kita ko kung paano manlaki ang kanyang mga mata at matigilan.
"Is my daughter happy?"
Nakangiti akong lumingon at nakita ko ang aking ama na nag lalakad palapit sa akin. May hawak siyang wine sa kanan niyang kamay habang ang kaliwa ay may hawak na kaha. Pahaba iyon at kulay pula.
I automatically smile and hug him tight. "Yes, daddy. I'm very very very happy, thank you so much. I love you, daddy...." Madamdamin kong sabi.
Tumawa siya at niyakap din ako pabalik bago ko maramdaman na halikan niya ang aking noo. "I can do everything for you, my princess. Everything that makes you happy. Daddy always loves you...." Malambing na tugon niya sa akin bago siya humiwalay sa yakap.
Nakangiti niya sa aking ipinakita ang hawak niyang kaha bago niya ipatong ang wine sa table. Nakangiti ko rin siyang pinanood noong buksan niya ang kaha at nakita ko doon ang isang hair clip. Kulay silver iyon at puro dyamante ang disensyo. Kumikinang lalo na sa tuwing natatamaan ng ilaw.
Inayos ni daddy ang iilang hibla ng aking buhok bago niya iyon inilagay doon. Nakangiti pa siya habang inaayos iyon at pag masdan ako. Natawa tuloy ako at hindi na napigilang yakapin muli siya na siyang ikinatawa niya rin.
"Thank you for this, daddy. It's so beautiful," Sambit ko at hinaplos ang kanyang regalo sa aking buhok.
Noong humiwalay na ako ay agad nahagip ng aking mga mata ang aking mga kaibigan na nanonood pala. Para silang nanonood ng isang dramang teleserye. Lalong lalo na si isabelle na nag vivideo pala. Ngumiti ako sa camera ng phone niya bago ko ibaling ang paningin sa bagong kaibigan.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Roman d'amour"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...