CHAPTER 59

732 35 15
                                    

CHAPTER 59

Samantha

"Oy, samantha! Bakit mag isa ka lang? Saan si kendrick mo?" Tanong ni isabelle. Inosente ang kanyang tingin sa akin maging ang kanyang pag ngiti. Walang bahid ng pang aasar.

Ngunit ganoon na lamang ang epekto no'n sa akin. Ngumiti ako at agad pinamulahan ng pisngi. Mabuti na lamang at wala sa tabi ko ngayon si kendrick kung hindi ay malamang tuwang tuwa nanaman 'yon dahil agad akong pinamulahan dahil sa sinabi ni isabelle sa akin.

"Kinakausap siya ni abraham," Tugon ko at ngumiti muli noong tignan ako ni zake.

Gumanti rin siya ng ngiti bago niya bulungan si isabelle. Maya maya ay tumayo ito at tumango sa akin bago siya mag lakad paalis.

Ngumiti si isabelle sa akin bago niya tapikin ang katabing silya na kinauupuan niya. Iyong inupuan ni zake kanina lang.

"Pupuntahan niya daw si laxus," Sabi ni isabelle. Tinutukoy iyong pag alis ni zake.

"Adrian? Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Puwedeng pasuyo? May bonfire kasi tayo mamayang gabi, puwedeng ikaw ang kumuha ng mga tuyong kahoy na gagamitin para do'n?"

Napunta ang aking atensyon sa kabilang direksyon noong marinig ko ang sinabi ng isa naming kaklase. Si clarra iyon kasama ang kanyang kaibigan na si joy. Kinakausap nila ang isa pa naming tahimik na lalaking kaklase. Si adrian.

Nakita kong nahihiyang tumayo at tumango sa kanila si adrian bago nito itinabi ang tubig na kanyang iniinom. "Oh sige, ayos lang naman. Sino nga palang katulong ko?" Nahihiya at mahina niyang tanong.

Maliit ako napangiti. Hindi ko iyon maiwasan lalo na't napanood ko kung paano siya yumuko at pag laruan ang kanyang mga daliri. Mahiyain na lalaki si adrian. Tahimik lang siya palagi. Sa tuwing mayroon kaming free time ay palagi lang siyang nakaupo sa silya niya at nag babasa ng libro. Mayroon sa kanyang mga nag kakagusto dahil guwapo naman si adrian, mabait at matalino. Pero sadyang mahiyain lang talaga siya kaya naman siguro hindi binibigyan pansin ang mga babaeng mayroong gusto sa kanya.

SABAY na tumingin sa paligid sila clarra at joy. Nag hahanap siguro ng puwedeng makatulong ni adrian sa pag kuha ng mga tuyong kahoy. Saglit na nag tama ang paningin namin ni clarra. Nahihiya siyang ngumiti sa akin bago siya muling tumingin sa ibang kaklase namin.

Luminga rin ako sa paligid. Sa totoo na'n, ang halos lahat nga siguro sa aming mga kaklase ay halos wala ng mga ginagawa. Iyong iba ay nag kukuwentuhan na lamang. Pero sa tuwing tatama ang kanilang paningin kila clarra ay mag iiwas sila ng tingin at mag kukunwaring abala. Sa kanilang kilos, alam ko ng ayaw nilang tumulong.

Bumuntong hininga ako bago ako mag paalam muna kay isabelle. Pag katapos no'n ay nakangiti akong lumapit kila clarra na ngayon ay mukhang naagaw ko agad ang atensyon.

Ngumiti ang dalawang sa akin. Habang si adrian ay mas lalong yumuko at bahagya pang nanginig ang kanyang mga kamay ngunit itinago niya iyon sa kanyang likuran.

"Hi, can i help?" Nakangiting presinta ko.

Natulala bigla sa akin sila clarra at joy. Sabay rin na umawang ang kanilang labi at hindi makapaniwala akong tinignan. Kita ko rin kung papaano magugulat na mag angat ng tingin sa akin si adrian habang nakaawang rin ang kanyang labi.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now