CHAPTER 58

661 25 6
                                    

CHAPTER 58

Samantha

"Hmmm..." I groaned softly when i feel someone caressing my cheek.

Noong mag mulat ako ng mga mata ay agad sumalubong sa aking paningin ang mapungay na mga mata ni kendrick. Kumunot ang aking noo at tsaka marahang umayos ng upo nang makita kong nakasandal ang aking ulo sa balikat ni kendrick. Nakakulong ako sa kanyang mga bisig at ramdam ko agad ang pag kadisgusto na bumalatay sa kanyang mukha noong humiwalay ako sa kanya ngunit agad rin naman iyong nawala dahil agad napalitan ng pag kamangha ang mga mata niya habang pinagmamasdan niya ang aking mukha.

Nag tataka kong inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng bus. Doon ko lamang napagtantong kaming dalawa na lamang ang naririto at wala ng iba pa.

Lalong kumunot ang noo ko. Gano'n na ba kasarap ang naging pag tulog ko? "Where are they?" Tanong ko.

Matipid siyang ngumiti sa akin bago niya ako marahang hapitin palapit muli sa kanya upang mayakap niya akong muli, pag katapos no'n ay agad niyang pinatakan ng magaan at matagal na halik ang aking noo.

Bumuntong hininga siya. "Nando'n na sila lahat sa labas, hindi na muna kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. Ayaw kong istorbohin ka," Tugon niya. Ang lambing ay naroon sa kanyang boses maging sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin.

Napanguso ako at tsaka bahagyang sinilip ang labas ng bintana bago ko siya inosenteng tinignan. "Eh, where's mark?" Tanong ko ulit.

Biglang kumunot ang noo niya. Ang pag kalito at selos ay agad bumalatay sa kanyang mga mata dahilan upang mag salubong nang bahagya ang kanyang kilay.

"Why are you finding him?" Bigla ay tanong niya gamit ang kanyang natural na malamig na boses. Nawala na ang lambing doon.

Kunot noo akong napatitig sa kanya, hindi agad makuha ang biglaang pag babago ng kanyang tono ng pananalita sa akin. Ngunit ganoon na lamang ang pag kagat ko sa akin labi noong tsaka ko lang mapagtanto ang aking tinanong sa kanya. Yumuko ako. Bakit ko nga tinatanong kung nasaan na si mark? Paniguradong mag seselos siya pero hindi ko kaagad naisip ang bagay na iyon.

Ang katanungan naman na iyon ay walang ibang malisya sa akin. Nag tataka lang talaga ako na wala na siya gayong siya ang katabi ko kanina. Pati ang mga gamit ko ay nasa kanya.

Huminga ako ng malalim at muling nag angat ng tingin sa kanya. Ganoon na lamang ang kalalim ang aking pag lunok ng makitang titig na titig siya sa akin na tila mo'y binabasa niya ang reaksyon sa aking mukha. Tila mo'y mayroon siyang hinahanap na kung ano sa mukha ko.

Bumuka ang labi ko upang sana ay humingi ng tawad sa kanya ngunit nagugulat ko siyang nasundan ng tingin noong wala pasabi siyang tumayo at nag lakad pababa ng bus. Nanlaki ang aking mata at agad ding tumayo upang sundan siya. Hindi na ako nag abala pang suriin kung anong hitsura ko dahil kagigising ko lang at agad dumiretso pababa sa bus.

"Kendrick! Wait!" Pag sigaw ko. Ngunit ganoon na lamang ang inis na dumaan sa sistema ko ng maging sa pag sigaw ko ay gano'n parin kalambing ang boses ko.

Sinubukan ko siyang habulin muli. Pero dahil sa mas mahaba ang kanyang mga biyas kaysa sa akin ay hindi ko 'yon masabayan. Isinigaw ko muli ang kanyang pangalan ngunit mas lalo lamang bumilis ang pag lalakad niya. Parang lalo pa siyang nagalit.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now