CHAPTER 85

424 16 8
                                    

Trigger Warning.

CHAPTER 85

Napatili ako sa gulat at takot noong marahas at malakas na sinuntok ni Mark ang pader na malapit sa kanya. Gumawa iyon ng malakas na tunog na siyang mas lalo kong ikinabahala.

Lumuluha ang aking mata na tinignan si Mark at nakita ko ang panginginig ng kanyang katawan. Nag tataas baba din ang kanyang balikat tanda na siya ay umiiyak.

Umiiyak si Mark. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Ang saya saya niya lamang kanina noong malaman niyang buntis ako. Ngunit sa isang iglap, sa isang kisap mata, ay heto siya ngayon. Umiiyak sa sobrang lungkot at sakit noong malaman niyang hindi siya ang ama ng batang aking dinadala.

"Fuck...." Dinig kong nahihirapan niyang bulong.

Napatili ako muli noong suntukin niya ulit ang pader. "Mark! Stop! Please!"

But he didn't listen. Sunod sunod niya paring sinusuntok ang pader. Malakas iyon at buong puwersa na tila mo'y doon niya ibinubuhos ang lahat ng hinanakit at galit na kanyang nararamdaman.

"Argh! Why the fuck are you doing this to me?! Pinaasa mo ako! Umasa ako! Umasa ako, Samantha! Tang ina!" Nag sisinigaw siya bigla.

Pero nanatiling nakatalikod siya sa akin. Ayaw niyang makita ko ang hitsura niya ngayon. Ayaw niyang makita kong umiiyak at nanghihina siya.

I've never seen him so vulnerable like this. He never cried like that before. He looks so fragile.

"Mark.... please, stop...." I tried to stop him again.

Ngunit hindi parin siya nakinig at patuloy lamang sa pag suntok sa pader. Dumudugo na ang kamao niya. And i admit it, im worried about him.

"Why are you doing this to me...." Bulong niya hanggang sa mapaluhod na siya sa sahig.

Tinakapan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad at doon humagulgol ng iyak. Lumalakas na rin ang pag hikbi niya. Mukhang hindi niya na kaya pang pigilan iyon.

"I badly want to have a child with you...." Umiiyak na bulong ulit ni Mark. "Fuck, it hurts. It hurts so much.....”

"He's having a break down...." Dinig kong sambit ni Doctor Ariel. "It must be really hard for him to accept the truth that he is not the father of your child,"

Nakagat ko ang aking labi habang umiiyak na nakikinig sa sinasabi ni Doctor Ariel.

"I've never know that a psychopath is having a break down, too. It seems so.... true." Napailing siya bago bumuntong hininga. "But you need to be extra careful, hija. Psychopath is a psychopath. They're good at pretending. He must be just faking the pain right now,"

My body grew tensed when i saw Mark standing up slowly. Napakuyom ang aking kamao noong lumingon siya sa amin. He's eyes are fluffy and red because of crying. Namumula din ang tungki ng kanyang ilong at magulong ang kanyang buhok.

He run his bloody fingers on his hair before slowly walking to my direction. Mabilis akong dinapuan ng kaba at takot. I can't see his face because he's lowering his head. Hindi ko alam kung ano gagawin niya. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now