CHAPTER 31
SOMEONE POV.
"Yuan Santos," Malamig kong tawag sa kanya noong makita kong nag lalakad na siya sa madilim na eskenita.
Marahil ay dito ang daan pauwi sa kanilang bahay.
Nakita ko kung paano siya matigilan at dahan dahan akong nilingon. Kahit na madilim sa paligid ay kita ko parin ang bahid ng takot sa kanyang mukha.
Inayos ko ang suot kong sumbrelo at tinanggal ang suot kong itim na mask.
He looked at me with a fear in he's eyes. "Bakit p-po?" Nauutal niyang tanong.
I gritted my teeth. "You should stay away from her," Mariin kong sabi.
Gumuhit ang ngisi sa aking labi ng makita ang pag bakas ng takot at pag tataka sa kanyang mukha.
"Layuan mo si samantha," Sabi ko muli.
Nanlaki ang kanyang mga mata bago niya ako tuluyang hinarap. "Huh? S-si ate sam po? Bakit k-ko po siya l-lalayuan?" Naguguluhan at nauutal niyang tanong.
Umismid ako. "Just fucking stay away from her," Singhal ko bago ko siya samaan ng tingin. "...or else," Dugtong kong pananakot.
"Pero m-mabait po si ate sam. P-pati tinutulungan niya po a-ako. Hindi ko po k-kayo maintindihan, b-bakit niyo po ako pinapalayo sa kanya...s-sino po ba kayo?" Natatakot niyang tanong.
Nag igting ang panga ko. Nakakairita! Masyado siyang maraming tanong! I glared at him. "Masyado kang madaldal, nakakairita ang katulad mo." Inis kong singhal sa kanya at tinanggal ang suot kong sumbrelo kaya ngayon ay kitang kita niya na ang aking mukha.
Nag ngitngit lalo ako sa galit ng makita ko ang takot na takot niyang itsura. "Kitang kita ko sa mga mata mo na may gusto ka kay samantha! Akin sya! Akin lang sya!" Galit kong sigaw.
Nabigla siya sa biglaan kong pag sigaw at nanginginig na umatras. Malalaki at mabilis ang aking pag hakbang upang lapitan siya.
Kumuyom ang aking kamao at mabilis siyang sinapak na agad niyang ikinatumba. My lips rose up because of that. Sa payat niyang pangangatawan ay hindi na 'ko mahihirapan pang itumba siya. Baka maagaw niya sa akin si samantha. Hindi ako papayag.
Hinawakan niya ang kanyang ilong na dumudugo at pilit sinasalag gamit ang kanyang isang kamay ang aking sipa. "Ah! T-tama na po! H-hindi ko po kayo maintindihan...a-ah! T-tama na po please..." Pag mamakaawa niya ng sipain ko siyang muli sa tiyan.
Humalakhak ako. "There's no way i would stop! Your trying to steal her from me! Samantha is mine—" Before i could finish my word someone's cut it.
"No once own her," Isang malamig na tinig na nag mumula sa madilim na parte ng eskenita.
Natigilan ako. Ganon rin ang lalaking binubugbog ko.
Kumunot ang aking noo at pilit inaaninaw ang bulto ng isang tao na ngayon at papalapit sa aming direksyon. Rinig na rinig ang kanyang pag hakbang. Isa siyang lalaki. Hindi ako pwedeng mag kamali. Matangkad siya. At katulad ko ay mag suot ring itim na masks at itim na sumbrelo. Maging ang suot niyang hoodie ay kulay itim rin.
I gritted my teeth and glared at him. "Who the fuck are you?!" Malamig kong tanong.
Rinig kong umismid siya at bagkus na sagutin ang akong tanong ay tinawanan niya lamang ako. Putangina!
Bumilis ang aking pag hinga habang pinapanood ko siya kung papaano niya itayo ang payat na lalaki na tinulungan kanina ni samantha sa coffee shop. Yuan, tsk.
Umiling iling siya at bumulong doon sa lalaking payat. Kita ko kung paano ito natatakot na tumango at bagamat nahihirapan ay pinilit nitong tumakbo papalayo.
"Hoy! Tangina! Bumalik ka dito! Papatayin kita!" Galit kong sigaw at tatakbo na sana para habulin ang lalaking payat na 'yon ay agad akong naharang ng lalaking ito! Tainga! Nakita na ni yuan ang mukha ko at pwedeng pwede siyang mag sumbong kay samantha!
"Tsk, grabe. Pati bata pinapatulan mo," He said with his mocking tone.
Galit ko siyang tinignan. Naka-pamulsa ang kanyang dalawang kamay sa kanyang suot na pantalon habang natatawa akong pinapanood na magalit.
Sino ba 'to?! Tangina.
Malalaki ang hakbang akong lumapit sa kanya at agad siyang kinwelyuhan. "Sino ka bang gago ka, huh?! Bakit nangenge-alam ka?!" Sigaw ko sa kanyang mukha.
Ngunit bagkus ay tinawanan niya lang muli ako bago niya walang kahirap hirap na hinawakan ang aking kamay at tanggalin iyon sa kanyang kwelyo.
Lalong bumilis ang aking pag hinga ng bigla niya akong tinalikuran at mag simulang mag lakad paalis ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo ay muli siyang huminto at bahagya akong nilingon.
"Just call me..." Bigla niyang sambit.
Kumunot ang aking noo at hinintay ang kanyang susunod na sasabihin.
"Just call me, K." Dugtong niya bago tuluyang umalis at mawala sa aking paningin.
K? Kendrick? What the fuck?! Pero tangina sigurado akong hindi siya yon e! Iba ang boses ni kendrick sa lalaking iyon!
K? Who the fuck is he?!
I clenched my jaw. Pakiramdam ko ay pamilyar at narinig ko na ang boses niya. Ngunit hindi ko matandaan kung sino at saan. Pero nasisigurado kong hindi iyon si kendrick.
K, huh? Kung sino ka man, makikilala rin kita.
Napangisi ako ngunit awtomatiko iyong nawala ng makita ang isang puting papel sa daan. Nilipad iyon sa akin paanan kaya kumunot ang aking noo at yumuko upang kuhain iyon.
Lalong nangunot ang aking noo ng mabasa ko na ang nakasulat roon.
‘Long time no see‚
Just wanted to remind you. Lahat ng sikreto ay nabubunyag. Kaya mag ingat ka. Baka bukas makalawa, malaman na nila kung sino talaga yung totoong ikaw.
– K‚’
Literal na bumilis ang pag pintig ng puso ko. Iba ang pakiramdam ko sa sulat kamay na ito. Alam kong mayroon siyang ipinahihiwatig sa akin.
Wala sa sarili akong tinitigan ang daang tinahak kanina ng misteryosong lalaking iyon bago ko ginusot ang papel.
Tangina, sino ka ba at anong nalalaman mo?!
________________________________________________________________________
:)
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...