CHAPTER 38
Laxus
Mabilis lumipas ang oras. Gabi na ngayon at nandito ako sa garden ng mansion ni lola zanya. Mag isa at walang kasama.
Simimsim ako sa hawak kong can beer bago ako tumingala sa kalangitan. Madilim na iyon at puno na nang mga bituwing kumikislap. Mabigat akong nag pakawala ng hangin. He 'to na ba iyong parusa niyo sa 'kin?
I tried to forget my feelings about her. I tried to distance myself. I tried to distract myself. But fuck! Kahit anong subok ko hindi ko parin malimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi parin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong subok kong h'wag siyang tignan at lingunin kusa ko iyong nagagawa.
How i wish to be kendrick just for a day so i can hold her hands. I can kiss her lips. I can hug her. I can say sweet words wa to her but yeah, i know i can't do that dahil girlfriend na siya ni kendrick.
Bumuntong hininga muli ako bago ako yumuko at ipatong ang aking mag kabilang siko sa aking dalawang hita. Nasa ganoong posisyon lamang ako ng maramdaman kong may naupo sa aking tabi.
Nag angat ako ng tingin ng maamoy ko ang pamilyar na pabango niya. "Kendra, it's already late. Anong ginagawa mo sa labas? At tsaka, malamig na oh," Tanong ko gamit ang aking mababa at mahinang boses.
Tinignan niya ako gamit ang kanyang walang emosyon na mata bago niya biglang kuhain ang hawak kong beer at walang pasabing tinungga iyon.
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya pabalik bago niya ako tignan at ibigay muli sa akin ang beer.
I sighed. Sa ilang araw na pamamalagi namin kila lola zanya ay palagi akong nasa garden tuwing ganito na ang oras. I just want to be alone. I just wanted to fresh my mind.
I shook my head a little. "Nothing, gusto ko lang mag pahangin."
Ngumisi siya bago niya ako ismidan. Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatingin lamang siya sa malayo habang ako ay ganon din habang umiinom parin ng beer.
Bigla siyang mabigat na bumuntong hininga. "Masakit talaga kapag nag mahal ka ng isang tao na hindi naman ikaw ang mahal hindi ba?" Marahan niyang tanong.
Hindi ko mawari kong nang aasar ba siya o hindi. Nahihimigan ko kasi roon sa kanyang boses ang lungkot.
Ngumisi ako. "Sobra," Mahina kong tugon.
Napatingin ako sa kanya ng tapikin nito ang aking balikat. Nakatingin narin pala ito sa akin bago siya maliit na ngumiti. "I feel your pain, laxus."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean you feel my pain? Have you been in love with someone who can't love you back because he or she already love someone else?" I asked her.
Malungkot siyang ngumiti sa akin bago tumango. "Hmm, yes. And it hurts me whenever i saw him being hurt because the person he love already own by someone else," She answered with a pain in her voice. "Minsan napapaisip nalang ako na...ako nalang sana yung mahal niya. Ako nalang sana yung nakikita niya. Sana ako nalang yung babaeng 'yon para mahal niya," Dugtong niya at natatawang pinahiran ang kanyang luha.
Napatitig ako sa kanya dahil ramdam ko ang sakit sa kanyang tono. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan.
She looked at me. "I know you like her," Biglang niyang sabi.
My eyebrows furrowed. "Who?"
"Samantha," Tugon niyang muli.
Natahimik ako saglit bago ko siya tignan muli. "Hmm, yeah. I like her. This is the first time i genuinely like someone. But tsk, stupid me. I let myself liking her even i know kendrick already love her." Sambit ko. "...even i know she's already kendrick girlfriend," Dugtong ko pa.
YOU ARE READING
ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.
Romance"I'm loving this view having you tied in my bed. But i prepare you being nake while lying there." ..... Samantha Dela Vega. She is the girl whom everyone's wants to own. The girl who have a strikingly beauty that everyone's adore. A perfect body tha...