CHAPTER 42

909 28 0
                                    

CHAPTER 42

Samantha

Earlier at the resort before the incident happened.

NANDITO na kami sa loob ng resort and all i can say is this resort is so beautiful and refreshing. It's huge and full of swimming pool with slide. May mga cottage rin doon at nag rent kami ng isa para sa aming pwesto.

Nag bihis agad kami ng pang swimming nila vanessa at ganon rin sila kendrick. Noong matapos na kami ay agad kaming dumiretso sa cottage.

Nag kukwentuhan lamang kami ngunit hindi ako masyadong makasabay sa kanila dahil hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay mayroong nakamasid sa akin. Kinakabahan ako at natatakot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Parang may hindi magandang mangyayari.

Napatingin sa akin si kendrick at agad akong niyakap mula sa tabi. He kissed my temple. "Are you okay, baby?" He asked with he's usual low and sweet voice.

Bumuntong hininga ako at tumango na lamang bago ko ilibot ang aking paningin sa paligid ngunit agad rin akong napatingin kay kendrick ng hawakan niya ang aking pisngi at ipaharap ako sa kanya.

Nanlaki pa ang aking mata ng bigla niya akong hinalikan. Namula tuloy ang aking mukha lalo na noong marinig ko ang mga pekeng pag ubo ng aking mga kaibigan.

"Why are you shy, baby? Fiance mo naman ako," He chuckled when we parted our lips.

Mahina kong hinampas ang kanyang braso. "Your being PDA again, hubby." I said and pouted.

Inasar niya ako at hindi ko manlang nabigyan pansin sila stacey noong mag paalam silang pupunta lamang ng banyo. Kasama niya ang kaibigan niyang si estella.

"Ganda mo," Biglang bulong sa akin ni kendrick.

Nag init ang mag kabilang pisngi ko. "Kendrick — oh my gosh!" Agad akong napasigaw noong umalingawngaw ang malakas na tunog nang pag putok ng baril sa paligid.

Mabilis akong niyakap ni kendrick upang protektahan bago siya galit at agresibong nilingon ang buong paligid upang hanapin ang nag mamay-ari ng tunog ng baril na iyon ngunit hindi ko na iyon napansin pa dahil napako na ang aking paningin sa taong nakahandusay sa kanyang likuran.

Pakiramdam ko ay nawala saglit ang aking pag hinga at naestatwang napatingin sa taong iyon. Napatakip ako sa aking bibig at agad tumulo ang luha sa aking mata ng makilala ang taong iyon.

Naguguluhan akong tinignan ni kendrick noong humiwalay ako sa kanya at marahang nag lakad palapit doon.

Napaluhod ako at sinubukang hawakan siya ngunit hindi ko alam kung saan ko ilalapat ang aking kamay.

"Don't cry, samantha." Nahihirapan niyang pag papatahan sa akin bago niya inabot ang aking pisngi at siya na mismo ang nag pahid ng aking luha sa pisngi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon. "Kyle..." Mahina kong tawag sa kanyang pangalan.

Nahihirapan m'an ay binigyan niya parin ako ng isang ngiti. Like he always do when he saw me.

Umiiyak parin ako noong buhatin siya ng mga bagong dating. Mga nurse iyon na may kasamang doctor. Binuhat siya at inilabas sa loob ng resort habang nanatili akong nakaluhod.

Humikbi ako lalo noong maramdaman ko ang pag yakap sa akin ni kendrick.

"Shush, baby..." Pag papatahan niya.

I hope kyle will be okay. Kahit mayroon siyang kasalanan na nagawa sa akin noon ay naging kaibigan ko parin siya. He was just obsessed to me before but i already forgave him.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now