CHAPTER 16

1.5K 34 7
                                    

CHAPTER 16

Kendrick

“I heard from the Dean that we have a new transferee student? Mabuti at tinanggap pa. Buwan narin nung nag simula ang klase,” Laxus said.

“Oo nga. Mayroon atang connections kaya pinayagan,” Tumatangong saad din ni Abraham.

Blangko naman ang aking mukha habang nakikinig sa kanila. Nandito kami ngayon sa office ko. Nakaupo ako sa swivel chair at kaharap ang table. Habang sila ay doon naka-puwesto sa mahabang leather couch. Mag katabi si Laxus at Zeus at mag isa naman sa isang couch si Abraham. 

“Saan si kambal ko?” Takang tanong ni Zeus noong mapansing kulang kami.

Kanina pa kasi tutok ang mata niya sa cellphone kaya ngayon niya lamang napag-tantong hindi namin kasama ang kambal niya. May inu-uto na naman sigurong babae 'to at abala sa cellphone.

“Kinakausap nang Dean,” Tugon ni Laxus.

Sakto namang bumukas ang pintuan ng office ko at pumasok doon si Zake. Seryoso ang mukha nitong nag tungo sa puwesto ko at inilapag ang isang white folder sa table.

Tamad ko siyang sinundan ng tingin noong mag tungo siya sa tabi ni Abraham at maupo.

“What is this?” I asked.

“Kambs?! Bakit hindi ka sa tabi ko naupo?! Do you love Abraham more than me?!” Nag drama bigla si Zeus.

Inirapan lang siya ni Zake at tinignan ako. “Information nung transferee student. Open it,”

Walang gana kong binuksan ang folder.

“His name is Mark Angelo Clifford. 18 years old. Dito siya sa Pilipinas pinanganak at nanirahan dito ng nine years bago siya ipadala ng magulang niya sa New Zealand. Anak siya nila Hannah Clifford at Mike Clifford,” Pag salita ni Zake.

Tumango ako. “Nabasa ko nga,”

Umikot ang mata niya. “Isang taon narin noong namatay ang Papa niya,”

Ngumiwi ako. “So?”

“And there is something you don't want to know....” Ngumisi ito bigla sa akin.

Kumunot ang noo ko sa kanya. “And what is that Mister Detective?”

Pero tinitigan niya lang ako habang nakangisi parin.

“Gago! What is it, dude?! Huwag ka namang pabitin!” Inis na sabi ni Zeus bago niya ibato ang cellphone niya sa kambal niya na agad namang nasalo ni Zake. 

Matunog na ngumisi ulit si Zake. “First love siya ni Samantha.”

Nag salubong ang kilay ko. “How did you know?”

“One look on his picture. Familiar na agad siya sa akin. Friends kami ni Samantha sa Facebook noon pa. Kaya nakikita ko ang mga tag pictures sa kanya. I saw him with them. Pati sa New Zealand din tumira noon si Samantha, right? Also, nag bakasyon ako sa New Zealand noon. I accidentally met Samantha's one friend there, her name is Denice. She looks problematic that time and she accidentally told me about Samantha and that guy.” Tugon niya sa akin.

ALLURING SERIES #1 : KENDRICK OBSESSION.Where stories live. Discover now