Chapter one

249 13 1
                                    

"Babe!"

Kaagad kong naagaw ang atensyon ng mga tao sa basketball court na kanya-kanya nang mga ginagawa sa buhay. I saw Dramos flirting on the bleachers when I called him. Nanlaki ang mga mata niya nang mapalingon s'ya habang ako ay tumakbo para makalapit.

Just when I thought that Keere and I would be going home, he told me to fetch our friends first na s'yang nagpapalaganap na naman ng kadiliman sa buong basketball court.

"H-hoy—!"

"May bago ka na naman?!" napatakip ako ng bibig, kunwaring nagulat. "Sabi mo ako lang?"

"Puta. Hoy, Dasha, tumigil ka nga!"

I could see how his nostrils flared while shooting a piercing stare at me. Gusto kong tumawa nang malakas lalo na nang makita kong masampal s'ya. Deserve. Char.

Bago pa man ako makapagsalita ay isang malakas na tawa na ang nangibabaw na sigurado akong hindi galing sa akin. When I turned my head at the man beside me, Keere's lips stretched wider.

"Good job, baby." He even gave me two thumbs up and grinned like a devil.

Hindi maipinta ang mukha ni Dramos habang sabay-sabay kaming naglalakad pauwi. This has been our routine since then. Going home together. Sharing how our day went and how's our schooling. Pati mga kalokohan syempre.

"Grabe ka, Dasha, sumasama ka na, ah?" Tumatawang komento ni Finn. He ran his fingers through his sweaty hair as he smiled at me, showing his white teeth. Si Dramos naman ang tinutukso namin. Ganti lang para sa mga pang-iinis n'ya sa akin kanina.

"Mana lang sa 'yo." I pressed my tongue out, receiving a hit from him.

"Maiba pala ako," Finn muttered. Pinunasan n'ya ang luha sa gilid ng mata n'ya, nakangiti pa at halatang nasisiyahan talaga. Kabagin sana s'ya. "Pupunta naman kayo sa birthday ni Huvies, 'di ba?"

"Hindi ako pupunta," mabilis na sagot ni Dramos dahilan para mapatingin kami sa kanya. Wow, akala ko mute na ang pinakamagaling naming kasama, eh.

"Sira ka ba?" Tanong ko. "Your mom will be mad at you!"

"Seriously, they cannot force us to do something we don't want to do!" he hissed. "For good sake we're already in college! Why should we go to that brat's seventh birthday party?!"

"Sabihin mo 'yan sa nanay mo at tignan natin kung hindi ka balatan ng buhay," sagot naman ni Finn. "Saka bakit ba ayaw mo kay Huvies? Cute cute n'ya kaya."

"Agree." Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Paano kasi, pinapatulan n'ya 'yong bata kaya nag-aaway sila," Keere joined in, putting his hands inside his pockets.

"What if we don't attend the party?" Bigla s'yang napahinto sa paglalakad kaya maging kami ay napahinto rin. "Paano kung huwag tayong magpakita? Magroad trip tayo! Pumunta tayo sa kung saan. Remember our dream places? Hinihintay tayo no'n! Gawin natin lahat! Huwag lang tayong pumunta sa party!"

"Hoy, siraulo! Sa tingin mo ba matatakasan natin ang nanay mo? Baka hindi pa tayo nakakaalis ay wala na tayong mga mukha!"

"You know that once they joined forces, we don't have choice but to follow," Keere said.

"Isusumbong pa kita," saad ko naman. Unlike you, I like Huvies. He likes me too so why ditch his party?"

"Sasaktan na talaga kita!" Inamba ni Dramos sa akin ang palad n'ya, mananampal na. Matapang ko s'yang hinamon. Alam ko naman kasing hanggang d'yan lang s'ya kaya tinata-tawanan ko lang, sanay na sa biruan naming ganito.

We continued walking until we reached the historical street that made us as one—the Catmint street. Noong nasa kanto na kami, naaninag kaagad namin ang mga mama namin na nakaupo sa monobloc chair. Aakalain mong may open forum dahil sa pabilog nilang pwesto. Nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan at kumakain pa!

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon