Chapter twenty one

74 9 0
                                    

"Hindi ko kaya."

Tinignan namin si Finn nang pabagsak s'yang umupo sa tapat namin. Ginulo-gulo n'ya pa ang magulo na n'yang buhok saka bumuntong hininga.

"Hindi ko talaga kaya ang pinagagawa ni tita Lara!"

"Kumalma ka nga," sagot ko sa kanya. Isinara ko ang libro na binabasa ko. We were inside the library because Faber needs to review for his upcoming test. Sinamahan namin s'ya.

"Hindi ko talaga kaya na ipagtulakan si Dramos sa kanya! Ayaw kong magalit sa atin ang lalaking 'yon!"

"That's good then," sabat ni Keere. "If Dramos wants to cross the line with his mom, he should do it with open heart. Hindi lang dahil pinilit o ano."

"Paano ko hihindian n'yan si tita Lara?" Mukhang namomroblema talaga s'ya. "Magbibirthday na si Huvies. Sa bata ako pinakanaaawa."

Napatahimik ako nang maalala ko na naman ang mukha ni Huvies na umaasang magkakabati sila ng kuya n'ya. I wish I could do something to make that kid happy.

"Huwag ka nang mag-alala," I said, nodding. "Maiintindihan ka ni tita Lara. Isa pa, mabait naman s'ya. Huwag kang matakot, Finn."

He sighed.

"Oh, s'ya sige na. May lakad pa ako." Tumayo na s'ya at isinukbit ang bag n'ya. "Good luck sa quiz mo, Faber. Suportado kita."

Napatitig lang kami sa papalayo n'yang pigura hanggang sa tuluyan na s'yang mawala sa paningin namin.

"Hoy, Maria Dashana!"

"Hoy, Janna!"

Ngumisi ako nang malaki at kaagad na tumakbo pababa sa hagdan. Nakauniform na si Janna, mukhang papasok na. Japan lang pala ang katapat ng babaeng 'to, eh. Niyakap n'ya ako nang makalapit ako.

"I'm back!" she exclaimed. Sa hitsura n'ya, parang sobrang saya nang naging bakasyon n'ya. Kahit sino naman siguro. Ako nga sa bahay lang pero sobrang happy.

"Kamusta ang Japan? Ano? Nakahanap ka ba ng hapon?"

"Marami!" tumawa s'ya. "Pero syempre para sayo!"

Hinila n'ya ako paupo sa may damuhan sa open space. Nagsimula s'yang magkwento habang ako ay nakinig naman.

"Bilis, tignan mo!" inabot n'ya sa akin ang cellphone n'ya. "Marami akong nakilalang mga hapon! Ang gagwapo! Bilis!"

I obliged. Tinatamad kong iniscroll ang gallery n'ya na puro mukha ng mga lalaking may lahi na chinito.

"Ano sa tingin mo?" Excited na tanong n'ya. "Sinong bet mo riyan? Bilis ipakikilala kita!"

"Wala." Binalik ko sa kanya ang phone n'ya kaya nangunot ang noo n'ya. "Hindi ko bet."

Mas gwapo pa rin si Keere. No offense to those japanese guys.

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong n'ya. "Anong wala?! Saka ano?! Hindi mo bet?!"

She scoffed.

"May lagnat ka ba?! Alam mo bang kinuha ko lahat ng mga number nila para sayo?!"

"Hindi ko nga kako bet." Napakamot ako ng ulo ko. Nalaglag ang panga n'ya. "Sayo na lang 'yang mga hapon mo."

"P-parang noong nakaraan lang mukha kang tangang broken hearted! Tapos ngayon... ganyan ang sasabihin mo?!"

Nginitian ko s'ya.

"Marami na kasing nagbago." I pursed my lips. Sinusubukang huwag kiligin sa harap n'ya kasi paniguradong iintrigahin ako ng chismosang 'to.

"Hoy, napaghahalataan ka." Tinuro n'ya ako gamit ang cellphone n'ya. "Ano? Sino? Kakilala ko ba? Gwapo ba?"

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon