Chapter two

163 11 5
                                    

"He betrayed me..."

Yumuko ako at nagsimula na namang maglandasan ang mga luha mula sa mga mata ko. Kumuyom ang kamao ko at parang batang umiyak nang umiyak.

"Kaya pala... Kaya pala hindi na s'ya nag-chat kasi may iba na s'yang dinidate! Ako naman 'tong si tanga, hintay lang nang hintay!"

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa mga ganitong pagkakataon dahil unti-unti na namang nag-iiba ang tingin ko sa sarili ko. Alam ko namang hindi ako sobrang maganda. Hindi matangkad o matalino. Tanggap ko naman 'yon pero sana sinabi n'ya para hindi ako naghihintay sa wala! Pinaasa n'ya pa akong yayayain n'ya ako ulit! Tapos ang ending, ako na lang pala ang umaasa. Kasi s'ya, may dinidate ng iba! At ka-school ko pa!

"Gano'n ba talaga ako kadaling bitiwan? Ano bang tingin n'ya sa akin, hindi naghihintay? Sana nagsabi man lang s'ya na hindi n'ya ako gusto! O di kaya ay friends na lang kami! Tutal, gano'n naman palagi ang nangyayari!"

Bumuga nang marahas ang katabi ko. Nag-aaral s'ya pero hindi siguro makapag-concentrate dahil sa ingay ko. Bakit pa kasi n'ya ako dinala sa bahay nila kung pwede naman akong umuwi sa amin?!

"Huwag ka nang umiyak," saad n'ya. "Hindi mo bagay."

Mas lalo lang akong umiyak dahil sa sinabi n'ya. Hinila ko ang kumot n'ya at doon nagpunas ng luha.

"Kahit ikaw! Sinasabi mong wala na talagang bagay sa akin! Ganito ba talaga ako ka-panget?!"

He closed his book and lifted himself to sit on the bed beside me. Mariin n'ya akong tinignan.

"Hindi ka pangit," sagot n'ya.

"Aminin mo na kasi, Ke. Ako lang 'to, oh! Hindi mo na ako kailangang plastikin!"

"Hindi ka nga kako pangit." Umiling s'ya. Matapos ay hinila ako para ikulong sa bisig n'ya. "Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babae sa mundo."

"Sinungaling," bulong ko, nagbabadya na namang muli ang mga luha sa pagtulo. He chuckled softly.

"What do you want me to do? Do you want me to hit him?"

Umayos ako ng upo saka umiling. Ayaw ko namang manakit s'ya dahil lang sa akin. Isa pa, hindi naman s'ya nananapak. Minsan lang.

"Sana lang huwag na s'yang huminga," sabi ko. "Di ba mabait naman si bro? Bakit hindi pa s'ya kunin para mabawasan ang masasama sa mundo?"

Tumawa s'ya at pinunasan ang luha ko sa mga mata. Pagkatapos ay may kinuha s'ya mula sa bulsa.

"Alin sa dalawa?" Inilahad n'ya ang dalawa n'yang magkakuyom na kamao at pinapili ako. I chose the left. Pagkabukas n'ya, napangiti ako nang may papel na nakafold s'yang hawak. Kinuha ko 'yon at binuksan.

Don't cry.

"Ano 'yong nasa kabila?" Tanong ko. Binuksan n'ya 'yon at may maliit na note na nakadikit sa palad n'ya.

Smile widely, short head.

"Gusto mo akong ngumiti nang malaki?" Tumango s'ya. "Kung gano'n, ibili mo ako ng ice cream!"

Napailing na lang s'ya pero sinunod din naman ako. Hinawakan ko s'ya sa kamay at patakbo kaming lumabas.

"Hurry up! My ice cream is waiting!"

Usap-usapan sa school namin ang audition para sa play noong sumunod na araw. Iyon ang play na ginagawa taon-taon para makalikom ng funds para na rin sa school.

"Ayos ah? Play ulit? Sumali kaya ako?" Saad ni Dramos sabay pulot ng flyer sa sahig. Naglalakad kaming lima papasok ng university.

"Huwag ka nang umasang makukuha ka, pre," Finn said. "Mukha kang tambay sa kanto."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon