"First, find the value of x by using the formula..."
Kinrumpled ko ang papel na sinusulatan ko at binato 'yon sa gilid. Napabuga ako nang malakas at pinatay ang cellphone ko. Nakakafrustrate!
Hinilot ko ang sumasakit na sentido ko at tumingin sa mga kalat ko na papel sa ibaba nang may biglang maglagay ng kape sa table ko. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko at nakita ko roon si Pear na mukhang okay na okay na. Ngayon lang ulit s'ya nakapasok matapos ang halos isang linggong pag-absent.
"Take this," mataray na saad n'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ayaw ko ng utang na loob at baka sumbatan mo pa ako sa kape na pinainom mo sa akin. Kaya kunin mo."
"At kung inaakala mong we can be friends after what you did, you are totally wrong." Ni minsan hindi pumasok sa isip kong makipag kaibigan sa babaeng 'to. Ang assuming ha.
"I don't want to be friends with someone who is dumb and watches math tutorials just to answer the assignments."
"Welcome," sagot ko, hindi na pinansin ang iba n'ya pang sinasabi. Nakuha pang mang-insulto. Ipasak ko kaya sa kanya ang inhaler n'ya? S'ya nga 'tong tanga dahil kinalimutan 'yon. Inirapan n'ya ako bago umalis sa harapan ko.
Muli akong napabuntong hininga nang magawi ang tingin ko sa katabi kong upuan. Wala s'ya roon. Mag-iisang linggo na rin s'yang absent. Bakit ko ba s'ya iniisip? Kami ba, iniisip n'ya?
Syempre sino ba ako para hindi maging apektado? S'ya na nga 'tong palaging wala. Palaging tinatalikuran kami. Palaging sumasama sa iba kaysa sa amin. Tapos gano'n pa sasabihin n'ya? Parang ewan lang.
Nagligpit na lang ako ng gamit at lumabas ng classroom dala-dala ang kape na binigay ni Pear. Sayang din 'to kung hindi ko iinumin. Libre pa naman saka galing pang starbucks.
Dumiretso na lang ako sa palagi kong tinatambayan sa university at nagdrawing na lang nang nagdrawing. Napapikit ako nang umihip ang malakas na hangin. Sana kaya ring tangayin ng hangin lahat ng nararamdaman ko. Sana maging maayos na ang lahat.
"Okay ka lang?" Bungad na bati ni Faber nang magpang-abot kami sa gate ng school.
"Ayos lang," sagot ko. "Ikaw lang? Nasaan ang iba?"
Sinubukan kong hanapin sa paligid ang mga kaibigan namin pero wala man lang akong nakita. Napatingin ako sa relo ko. Uwian naman na, ah? Bakit wala pa sila?
"Hindi ko rin alam eh. Hinintay lang kita." Inilabas ko ang cellphone ko at chinat si Keere. Hindi pa n'ya nasiseen ang huling message ko sa kanya pero online naman s'ya. Saan na naman 'yon pumunta?
"May hinihintay ka?" Binalingan n'ya ako ng tingin kaya mabilis kong pinatay ang cellphone ko. Pilit akong ngumiti at inayos ang sarili ko.
"Si Keere," sagot ko. "Hindi pa kasi nagrereply simula kanina pa."
"Miss mo na?" I chuckled.
"Bakit tunog selos?" Biro ko na nginitian lang n'ya. Nang mapagod ako sa paglalakad ay umupo na lang muna ako sa may bench sa bus stop. Wala rin namang tanong na sumunod si Faber sa tabi ko. Palitaw na ang mga bituin dahil malapit nang lumubog ang araw.
"Do you think... do you think I got overboard? Pakiramdam ko napasobra ako sa ginawa ko. Naguguilty ako," I bit my nail. "Pero sa kabilang banda pakiramdam ko tama lang 'yon, 'di ba? Masyado kasi akong napangunahan ng emosyon. Ang sakit kasing makarinig ng gano'n mula sa mga taong mahalaga sayo."
"Since we're kids, I promised to myself that I will do everything I can to protect the friendship we have since day one." I sighed. "Sa lahat nang ginagawa ko, iniisip ko kung okay ba sa inyo. In every decisions I'll make, I want you all to be part of it. Mas nauuna pa nga kayong makaalam ng mga balak ko kaysa sa mga magulang ko."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...