"Hinalikan n'ya talaga ako?!"
Nagpagulong ako sa kama at gigil na napatili habang may nakatakip na unan sa mukha ko.
"Gustong gusto mo naman, bobo!"
Napapadyak ako sa inis. Ano ba 'to?! Ano ba 'tong ginagawa ko?! Kapag sinabi ko 'to kay Janna, paniguradong aasarin ako no'n at paniguradong magbabayad ako ng 100k! At sigurado rin akong magagalit sina Dramos. Sasabihin lang nila, nagpauto na naman ako.
"Aray ko!"
Napahawak ako sa balakang ko nang mahulog ako mula sa kama at bumagsak sa sahig. I feel like my soul just got seperated from my body.
"Dashana?"
Kasabay n'on ay bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong mabilis na pumasok si Keere sa loob. He quickly asked me if I was okay and carried me back to the bed. Minura ko ang sarili ko nang makaramdam na naman ng kakaiba.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Nagdadadive ako sa lapag. Papalag ka?"
"Tsk." Keere shook his head. Nang imulat ko ang isa kong mata ay nakita kong apron lang ang suot n'ya at gray na shorts. "Malaki na nga ang kama nahulog ka pa rin. Sinong may kasalanan?"
"Eh, bakit ba!" reklamo ko, umiwas ng tingin. "Mas gugustuhin ko pang mahulog na lang nang mahulog sa kama kaysa sa maling tao." He rolled his eyes.
"Fifty shades pa nga."
Sumama ang mukha ko at tinignan s'ya ng matalim. Sising sisi na ako kung bakit pinilit ko pa s'ya. Akala ko kasi s'ya ang maaasar ko. Ako pa rin pala ang dehado.
Umalis na ako sa kama at nagsimulang ayusin ang pinaghigaan ko. He remained standing there, watching me while folding the comforter. Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng higaan nang may maamoy akong kakaiba. Hindi ko lang masabi kung ano.
"Naaamoy mo ba 'yon?" Tanong ko kay Keere sabay bato ng tingin sa kanya.
"Alin?"
"Parang iba," I said. Inamoy ko ang paligid para alamin kung ano ba 'yong pumasok sa ilong ko. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya.
"Hoy, naligo ako, ha," saad n'ya kahit wala pa naman akong sinasabi. Pero iba talaga eh.
"Keere... iba talaga ang amoy," pagpupumilit ko. Hindi ko masabi kung ano. "Parang ano... parang hotdog."
"What?" His eyebrows furrowed. "Anong hotdog?"
"Basta amoy hotdog."
"Dashana, ikaw ha." Napailing s'ya. "I don't know what you are up to."
"Keere, amoy hotdog talaga," saad ko. Hindi talaga ako nagkakamali. "Parang hotdog na... hotdog na malaki."
"A-anong hotdog na malaki?" Napalunok s'ya.
"Oo! Parang jumbo tapos... tapos may itlog." I sniffed again. His jaw dropped. "Oo, hotdog na may itlog. Bakit gano'n? Bakit parang..."
"Dashana... please. Huwag namang ganito," pakiusap n'ya.
"Hotdog na jumbo tapos itlog na... itlog na hilaw..." Pansin ko ang hirap sa paghinga ni Keere habang nakatingin sa akin. Parang ninenerbyos na ewan.
"Alam ko na!" I raised my forefinger when an idea popped in my mind. "Alam ko na ang naamoy ko!"
"Sunog! Sunog na hotdogs at eggs!" he stiffened from his position. Unti-unting nanlaki ang mga mata n'ya at halos malaglag ang panga n'ya. The last thing I knew, he was already running downstairs.
"Shit! 'Yong niluluto ko!"
"Kailan ako uuwi?"
Tumingin ako sa kanya pagkababa ko kaagad ng hagdan. Tinapos n'ya ang pagtitimpla ng gatas ko bago ako tinignan pabalik. I just finished taking a bath.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...