Chapter twenty three

88 10 0
                                    

"Tapos ka na?"

Lumingon ako kay Keere nang walang kahirap-hirap s'yang nakaakyat sa bintana ng kwarto ko. Mabilis kong isinukbit ang backpack ko. I already packed my clothes. Hindi naman kami magtatagal. Sana.

"Yup." I nodded. "Buti hindi ka nakita ng kuya mo?"

"It's okay. Hindi ngayon ang oras ng pagiging bida-bida para magsumbong." Tinawanan ko s'ya.

"May oras pala ang pagiging bida-bida?"

"Dapat." I laughed. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Namiss kita." He chuckled.

"I miss you more."

"Anong ginawa mo kanina?" Natahimik s'ya. Nag-iwas s'ya ng tingin nang mag-angat ako. "Ayos ka lang ba? Anong problema?"

"Wala." He sighed. "Pagod lang."

Nanliit ang mga mata ko sa kanya at akmang magtatanong pa nang makarinig kami ng yabag. My eyes widened. Galing 'yon sa labas ng kwarto ko!

"Bilis, baba!" I hissed, pushing him towards the window.

"Ano? Bakit?"

"P-paniguradong si daddy 'yon! Bilis bumaba ka na!"

"Ano naman?" He arched a brow. "Ilegal mo na ako."

"Nasisiraan ka ba?!" I hissed. "Sige na, hintayin mo na lang ako sa baba. Kapag nalaman ni mama 'to, paniguradong magsasabi na 'yon sa mga nanay n'yo bago pa man tayo makaalis!"

"Okay, okay," he surrendered. He gave me a peck on the lips before exiting on the window. Kaagad kong sinara 'yon nang maalis ang hagdanan at mabilis na humiga sa kama, nagbalot ng kumot at tinago ang bag ko sa ilalim.

"Dasha? Gising ka pa ba?" Tawag ni daddy. Sunod na bumukas ang pinto ng kwarto ko at ramdam kong sinisilip n'ya ako. Rinig kong lumapit s'ya sa akin at inayos ang pagkakakumot ko. Matapos ay hinalikan n'ya ako sa noo bago lumabas. Nakahinga ako nang maluwag matapos no'n. Akala ko, mauudlot ang pagtakas namin!

Nang masiguradong wala na talaga si daddy, ay tumayo na ako at dumaan din sa bintana. Pagkababa ko, tumakbo ako sa may kanto, nandoon sila, hinihintay ako. Lahat kami ay may nakasukbit na bag sa mga likod.

"Saan ang punta natin, power rangers?" They laughed at me. Excited talaga ako sa pagtakas namin. Isa 'to sa mga bucket list na gusto kong magawa kasama sila. It's just one in the morning yet here we are, wide awake, planning our escape.

"Sakay na." Binato ni Keere ang susi n'ya kay Finn. "Gasolinahan mo 'yan."

"Kagaguhan," sagot sa kanya ni Finn. "Parang hindi kayo makikisakay."

"Sino bang magdadrive?"

"Ako?"

"E 'di ikaw magpagas." Ngumisi ako nang makitang napaismid si Finn.

"Hoy, wala pa akong tulog kaya wag mo akong loko-lokohin."

"The last time I checked I was dead serious," Keere replied.

"Tama na 'yan!" Dramos joined in. "Kapag tayo nahuli, pag-uumpugin ko kayo!"

"Subukan mo, idedemanda kita."

"Babarilin naman kita!"

"Hampasin ko kayo ng hollow blocks."

"Gamutin ko na lang kapag may napuruhan sa inyo."

"Pwede ba, tumahimik na kayo?!" naiinis na saway ni Aveen. "Ala una pa lang ng umaga! Ugh, mental kids!"

"Mental kids?" Kumunot ang noo ko.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon