"Magandang umaga sa pinakamamahal kong tropa!"
I raised my hand and shouted when I saw them sitting on the grassy field, at the open space. Nakapabilog sila ng upo habang naguusap-usap.
"Tagal mo naman, Dasha!" reklamo agad ni Dramos ang bumungad sa akin. Wala man lang hello o good morning. Napakaloko talaga ng lalaking 'to. "Nauna pa sayo si sadako!"
"Hindi ka talaga titigil?" Aveen look so pissed when I looked at her. Malamang kanina pa s'ya pinagtitripan ng kaibigan namin.
"Pasensiya na ha? inutusan pa kasi ako ni ma'am na magpaphoto-copy." Umupo ako sa tabi nila at binuksan ang bag ko. "Alam n'yo naman kung anong petsa ngayon, 'di ba?"
They nodded in unison. Napangiti ako saka inilabas ang pouch ko at isang maliit na notebook mula sa bag. I flipped it to the page where their names were written. Tatlo na ang may check doon at tatlo ay wala pa.
"Tatlo na lang ang hindi pa sumesweldo. Si Faber, Dramos at ako," I said, while checking my list. Binuksan ko ang pouch at kinuha ang pera na nakarubber band pa.
Dinoble check ko ang bilang no'n. Hindi lang double, tinriple ko pa para makasiguro. Baka mamaya, may sobra. Hindi pwede 'yon 'no. Nakasunod din ang mga mata nila habang paulit-ulit kong binibilang ang papel na pera. May nakakaasar na ngiti akong tumingin sa katapat ko bago ito ibinigay sa kanya.
"One thousand five hundred," I told Dramos. Binilang n'ya naman ito at agad na napangisi. Akmang ibubulsa na n'ya nang bigla ko s'yang pigilan.
"Baka nagkakalimutan tayo, Dramos." Inilahad ko ang kamay sa harapan n'ya na s'ya namang tinitigan n'ya bago mag-angat ng tingin sa akin. "Ten percent ang share ko sa bawat sasahod sa inyo."
"Eh, paano kapag ikaw ang sumweldo? edi, may ten percent din kaming lahat?!" his eyebrows almost form a straight line while looking at me with disbelief.
"Treasurer ako ng grupo at may komisyon dapat ako," I fired back. Ako ang naghahawak ng pera sa paluwagan kaya dapat lang may share ako 'no? Pero dahil s'ya si Dramos hindi s'ya nagpatinag.
"At ako ang presidente at ang founder ng pagkakaibigan natin," he said in a matter of fact tone. "Nadiskubre ko ang grupo natin noong mga paslit pa lang tayo! Pinapanalo pa kita sa pogs, Dashana para hindi ka umuwing ngumangawa! Tapos hihingian mo pa ako ng komisyon?!"
Our two friends looks like they were watching a tennis match. Palipat-lipat kasi ang tingin nila sa akin at kay Dramos.
"But we're not talking about who's the founder or what. I'm talking about the share I must have because I handled your money with care! 150 please," I argued. Bakit ba kasi hindi n'ya na lang ibigay ang hinihingi ko? Hindi naman 'yon kabawasan sa sinahod n'ya. Isa pa, may pera naman s'ya. Feeling n'ya, ikalulugi n'ya 'yong one hundred fifty.
Mas lalo kong inilapit ang palad ko at halos idinikit na 'yon sa pagmumukha n'ya. Medyo nangangalay na ako sa tagal n'yang mag-abot. Sa huli wala na s'yang nagawa kung hindi ang bigyan ako. I smiled at him sweetly while pocketing the cash. Mukha s'yang nalugi sa mukha n'ya.
"Hayop 'yan, nadugasan pa ako," bulong n'ya na s'ya namang tinawanan ko. Kuripot talaga.
"Balita ko kinakausap si Faber ng dean ngayon, ah?" Pag-iiba ni Keere sa usapan dahilan para mapatingin kami sa kanya. When I woke up this morning, he wasn't on my side anymore. Ang sabi ni mama ay umuwi na raw s'ya para makapagbihis s'ya ng uniform dahil may pasok kami.
"Talaga?" Kaya rin pala hindi ko pa nasisilayan ang anino ni Faber mula pa kanina dahil pinatawag s'ya ng dean. Malamang kinakausap 'yon tungkol sa mga quiz bee na naipanalo n'ya. "Eh, si Finn naman? Wala yata 'yong lokong 'yon, ah?"
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomansaMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...