"Dasha, mukhang may nag-aabang sayo sa labas."
Lumingon kami ni daddy kay ma'am Berna nang pumasok s'ya sa office ni daddy. Tumango ako sa kanya at sinensyasang wait lang.
"Sasabay ka pa ba sa akin umuwi?" Dad asked as he looked back at me. Sandali akong napaisip.
"Uh... hindi na siguro, dad," maingat na tugon ko. "Sabay na lang kami uuwi."
Tinaasan n'ya ako ng kilay.
"So, kapag nariyan si Keere, ayaw mo na akong kasabay gano'n?" Tumawa ako. He might be getting the wrong idea again.
"Huwag kang mag-alala, dad. Ikaw pa rin naman tatay ko." Umiling-iling s'ya. Matapos ay pinayagan n'ya na rin naman agad akong umalis. Hinatid pa ako ni ma'am Berna palabas na sana hindi ko na lang sinang-ayunan. Kasi naman! Kanina pa ako kinukulit!
"Dashana, s'ya na rin ba ang the one? Aminin mo na. Promise hindi ko ipagsasabi." For the nth time, I denied.
"Ma'am Berna, kaibigan ko nga lang 'yon! Kababata ko 'yon."
"Weh?" Hindi pa rin s'ya naniwala. Kahit pa noong makalabas kami sa elevator ay hindi n'ya ako pinaniwalaan at tinantanan. "Promise, hindi ko sasabihin sa daddy mo! Saka, in fareness ha? Pogi naman. Ganda ng pormahan. Bagay kayo!"
"Uy, masama 'yon," sagot ko. "May girlfriend 'yong tao. Ayokong maging third party. Cheering squad lang ako."
"Ay sayang!" nginisian ko s'ya. Napahinto agad ako nang bitawan ko ang ang glass door na nilabasan namin. I blinked when I saw Keere who's leaning on his car, throwing his keys upwards and then catching it after. Nakapamulsa naman ang isa n'yang kamay.
He was wearing a beige button down dress shirt tucked in a smart pants and white shoes.
Loh, papogi.
"Hoy, bakit ka tulala riyan? Type mo 'no?" Napapikit ang isa kong matang humarap kay ma'am Berna.
"Ma'am Berna, hanap ka na yata ni daddy."
"Ay, hala oo nga pala!" she panicked. "May meeting nga pala 'yon! Sige na, Dasha, mauna na ako."
Sa wakas! I smiled at her sweetly and nodded.
"Ingat po," saad ko sa kanya dahil hindi pa rin n'ya ako nilulubayan ng nang-aasar na tingin. When she was already out of my sight that's the only time that I could finally breathe. Muli akong humarap kay Keere na ngayon ay nakatingin na sa akin. He smirked.
"Kumusta ka, bata?" He greeted. Umalis s'ya mula sa pagkakasandal sa sasakyan n'ya at tinitigan ako. I rolled my eyes.
"Buhay pa, kita mo?" I descended the stairs and went to him with straight face. We're now standing face to face. Pinagkrus n'ya ang mga braso n'ya. Medyo matagal din pala noong huli kaming nagkita. Maybe three days? Basta ang alam ko lang ay magkasama sila ni Graciella noong mga araw na 'yon.
Tinignan ko lang s'ya at akmang bubuksan na ang sasakyan n'ya nang bigla n'yang higitin ang braso ko. I stared at it long enough before slowly raising my gaze at him.
"Bawal akong sumakay?" Inosenteng tanong ko habang pakurap-kurap ang mga mata.
He laughed. "Ako na."
As he said, he opened the door for me and let me in. Matapos ay umikot s'ya papunta sa driver's seat at pumasok sa loob. Kinalikot ko agad ang speaker n'ya pagpasok na pagpasok ko. I connected my phone and shuffled my playlist.
"Hindi kita nakikita, ah?" He told me before twisting the key on the right and started the engine.
"Baka kasi nakapikit ka?" Tanong ko pabalik dahilan para simangutan n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...