The next days feels like hell for me. Sobrang dami ko nang namiss na lesson tapos pabalik-balik pa ako sa funeral home at sa hospital. Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Marami akong projects na kailangang tapusin. Mga reports na kailangang i-present. Sobrang nakakapagod. I feel like I would pass out any moment now.
"Ma'am, please ma'am. Please give me a quiz ma'am." Kagaya na lang ngayon. Late akong dumating sa klase dahil may kinailangan akong ayusin sa hospital. Ni wala akong matinong tulog para lang makapagreview at matapos ang mga kailangan kong tapusin. Ma'am Morales halted and turned to me.
"Alam ko namang marami kang pinagdaraanan sa buhay, miss Zamora." She darted me a glance. "But be professional. Kapag klase ay klase lang. Huwag mong dalhin ang problema sa eskwela."
"Pero ma'am, may inayos ho ako sa hospital, ma'am. Please give me another chance to make up for the days that I was absent. Kahit itong quiz lang na 'to ma'am."
She sighed. "I'm sorry but I'm not giving special quiz."
"Ma'am!" napapunas na lang ako ng luha saka nanghihinang umupo sa upuan. Hindi ako pwedeng bumagsak... Hindi ako pwedeng bumagsak. Nakatungo ako sa desk nang biglang may kumatok sa pinto. When I looked at it, I saw Keere, raising a brown paperbag.
"Kumusta?" Tanong n'ya nang makaupo sa tabi ko. Inilabas n'ya ang binili n'yang burger at sundae. "Hindi ka nagbreak time. Okay ka lang?"
"Sorry, marami lang akong kailangang habulin," paliwanag ko sabay kagat sa burger.
"About your reports?" I sighed and nodded. Naikwento ko na kasi sa kanya lahat ng kailangan kong ipasa.
"I can lend you a hand if you want," he offered, resting his chin on his palm while watching me to eat.
"Huwag mo na akong intindihin," sagot ko sa kanya. "Malapit ka nang grumaduate, Keere. Marami na tayong kailangang unahin. I can't be selfish. Not at this times."
"I can multitask. Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?" Napangiti lang ako sa kanya.
"I can give you pointers to review," pangungulit n'ya pa. "Kahit hindi ko sinunod si dad sa business may alam pa rin naman ako."
"Kapag hindi ka tumigil, kakasuhan kita. Sasabihin kong ginugulo mo ako."
"Not guilty, your honor," he replied, smiling. Keere just helped me review my notes. Tinulungan n'ya akong makabisa ang mga kailangan kong kabisaduhin. He checked my reports and changed some words every time he notices errors. May mga dinaragdag din s'ya na sa tingin n'ya ay kakailanganin.
Sobra akong nagpapasalamat kasi nariyan s'ya. I would have panicked already if he's not here. Baka nabaliw na ako sa kakaisip kung tama ba lahat ng ginagawa ko. Buong break time rin ay hindi s'ya umalis sa tabi ko. He's just there holding my hand while typing on my laptop.
"Sabay tayong uuwi, hmm?" Saad n'ya matapos s'yang makatanggap ng text na naroon na raw ang prof nila.
"Sabay-sabay naman talaga tayong umuuwi," I told him, making him laugh.
"Oo nga pala." Napakamot s'ya. "I'll see you later, then."
He threw one last smile at me before he evacuated the room. Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ang mabilis na tibok ng puso ko. Wala sa sariling napangiti rin ako at napatitig sa kawalan.
Ilang araw na ang lumipas magmula nang makita ko sila ni Graciella na magkasama. Hindi ako nagtanong. Wala akong lakas ng loob. Hindi ko kaya. Kung ano man ang nangyari noong gabing 'yon, pinilit ko na lang na huwag intindihin.
"Hi, Dasha? Sabi ni ma'am sayo raw kami magpaphoto copy?" Nagliligpit ako ng gamit nang lumitaw si Michelle sa tabi ko. "Hindi kasi ako pwede. Council works. Sinabi ni ma'am na sayo na lang daw."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...