Chapter thirteen

132 8 0
                                    

"Hulaan mo ang ganap ko ngayon." I giggled. Napangiti ako ng sobrang laki habang kumakain ng french fries at nakatutok sa tv namin kahit hindi ko na maintindihan ang palabas.

"Hindi ako manghuhula," sagot ni Janna sa kabilang linya.

"Isa lang bilis!" rinig kong napabuntong hininga s'ya.

"May boyfriend ka na?" She guessed. "O baka may fiance ka? Buntis ka, pupunta kang ob gyne 'no?"

"Gaga!" I scoffed.

"Sabi ko sayo hindi ako manghuhula, eh."

"Okay, okay." I chuckled. "Ang totoo kasi n'yan—"

Hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin nang dumaan si mama sa harapan ko. Halos magdikit ang kilay ko nang patayin n'ya ang electric fan at lumakad paalis na parang wala ako sa harapan n'ya.

"Ma! Ano ba 'yan? Nandito ako, bakit mo pinatay?!"

"Kung makapagreklamo ka, wagas! Bakit binabayaran mo ba ang kuryente, ha?" Sigaw n'ya pabalik sabay lingon sa akin.

"Ano ba 'yan! Parang hindi anak eh 'no! Pero kapag sina Faber, halos bigyan mo pa ng aircon." Napahawak ako sa ulo ko nang may tumama roon. Gumawa ng tunog ang pagbagsak ng tsineles n'ya sa sahig.

"Magrereklamo ka pa?!"

"Isusumbong kita kay daddy! Makikita mo, mama! Binabato mo lang ng tsinelas ang sperm n'ya!"

Babatuhin pa sana n'ya ako pero mabilis na akong tumakbo papasok sa kwarto ko at nilock 'yon. Napahinga ako ng sobrang lalim. Akala ba ni mama, hindi masakit ang tsinelas n'ya? I glanced on my phone and that's when I realized that the call was still connected to Janna.

"Hello?"

"Girl, I literally had to cover my ears with pillow!" reklamo ni Janna. "Hanggang ngayon, nagbabangayan pa rin kayo ni tita!"

I chuckled. Ayaw kong masira ang araw ko kasi sobrang importante talaga no'n kaya pinalampas ko na lang ang sakit na dulot ng tsinelas ni mama.

"Sorry naman," I replied. "Saan na nga ba tayo? Aha! Pupunta ako ng concert!"

Tumalon ako sa kama ko at nagpagulong-gulong. Nagulat pa si Icy na nagpapahinga roon at agad akong tinignan ng masama. I carresed her body to calm her down.

"Oh? Talaga?"

"Yep! Keere bought a ticket!" sinimulan kong ikwento sa kanya ang mga pinagdaanan ko para lang sa ticket. Gladly, she listened to me. S'ya lang ang kaisa-isang babaeng kaibigan ko na pinagtatyagaan akong pakinggan. Si Aveen kasi, puro pambabara ang naririnig ko. Other than that, I don't have girl friends anymore. Dalawa lang sila.

"Send me a picture, okay? Picture kayo ng marami!"

"Syempre, ikaw pa ba!"

Matapos naming magkuwentuhan at maibaba ang tawag, sumulyap ako sa may orasan sa may side table ko. Alas tres na ng hapon! Mas lalo akong naexcite. Nagpatugtog lang ako ng malakas at naghum ng kanta, waiting for the time to strike at six.

Naghanap na rin ako ng susuotin ko. Nang sumapit ang alas sinco naligo na ako agad at nag-ayos. I chose to wear a pink denim skirt, white halter neck and white stilleto boots. Inilugay ko ang wavy kong buhok na hanggang balikat ang haba at nag-apply ng konting makeup. When I'm done, I checked myself in the mirror.

Dashana: Ready na ako.

I sent my chat to Keere and waited for his reply. Ilang minuto pa, narinig kong tinatawag na ako ni mama sa ibaba. Pagbaba ko, halos mapaatras pa ako nang makita ko sa may dining si Keere, kausap ang daddy ko.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon