Chapter thirty seven

123 10 0
                                    

"Engaged na ako!"

Napatili si Brielle sabay lahad ng kamay n'yang may singsing sa harapan namin. Tinitigan namin 'yon.

"May jowa ka?!" hindi makapaniwalang tanong ni Janelle. "Sinong nagkamali?!" binatukan s'ya ni Brielle.

"Long distance relationship kami. Kahapon umuwi s'ya from Cambodia and guess what? He proposed!" ngumiti ako ng matamis sa kanya. Seeing her this happy, makes my heart happy too.

"Congrats, Brielle! Ikaw naman ang madidiligan!"

"Hoy, pakain ha!" pangangantyaw ni Pochollo. "Di ba 'no, love?"

Inakbayan n'ya ako at kinindatan. Sasagot pa lang ako nang may biglang umubo sa likuran namin. Sabay-sabay kaming lumingon doon at nakita si Keere na nakataas ang kilay sa aming dalawa. Agad na inalis ni Pocholo ang braso n'ya at tumago sa likod ko. Si Janelle naman at si Brielle ay may pang-aasar kaming tinignan.

"Okay, una na ako. Bye!"

"Attorney, ang hot mo!" sigaw ni Elle kaya pabiro ko s'yang inirapan at nauna nang lumakad paalis. Sumunod naman si Keere sa likod ko.

"Where are we heading?" Tanong ko nang makapagseatbelt.

"Marble misses you. He wanna see you."

"Talaga?" Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan. "Sige, tara."

Keere drove to his beach house. Sinalubong kaagad kami ni Marble na naghihintay sa may pinto pag-uwi namin. Binuhat ko s'ya at dinala sa mesa at doon pinatong.

"You'll cook?" He asked when he saw me getting a small pan from the cabinet below.

"Oo," I replied. "Try ko ulit magluto ng hindi masarap." He grinned.

"Masarap naman. Naubos ko nga." Napanganga ako sa narinig.

"Inubos mo?! Maalat 'yon ah!" he shrugged.

"Okay naman."

Hindi makapaniwalang tinignan ko s'ya. Kaya pala pagbaba ko, wala na akong nadatnan! Inubos n'ya pala lahat ng niluto ko noong araw na 'yon. Hindi ko na s'ya pinansin dahil mababaliw lang ako sa kalokohan n'ya. Nagsangag ako ng kanin habang nagpapalit si Keere ng damit. When he went out, he was already holding his laptop. Dumiretso s'ya sa sala at doon nagtrabaho. I turned off the stove when the fried rice's ready. Kumuha ako ng kutsara at tinikman 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at impit na napatili.

"Anong nangyari? Napaso ka?" I hopped towards him. Matapos ay kinuha ko ang kawali na may sinangag.

"Ang sarap!" inupo n'ya ako sa mesa. My legs were still wrapped around his waist. Sinubuan ko s'ya para matikman n'ya. "Sarap?"

"Hmm..." he slowly chewed. Pinanood ko s'ya at hinihintay ang sasabihin n'ya nang halikan n'ya ako. "Very delicious."

Napairap ako. After we ate, we decided to  ride on a boat and sailed it on the middle part of the sea. Pinanood naming lumubog ang araw habang yakap-yakap n'ya ako mula sa likuran.

"Masaya ka ba?" Tanong n'ya habang nakahalik sa balikat ko. I smiled and looked up.

"I guess so," I replied. "I want to be happy. For nine years, I never felt genuine happiness for myself. Masaya naman ako kapag kasama ang mga kaibigan natin o kapag nag-iinuman kami nina Elle. But when I'm alone, I feel miserable. I feel something missing inside me. Nakakabaliw."

"I felt like I'm smiling because I have to smile in front of people. I have to be approachable, to be bright so they won't worry. I have to wear that mask every single day but I don't even feel happiness."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon