Chapter seven

122 11 0
                                    

"Miss Zamora, nakikinig ka ba?"

I blinked. I slowly raised my gaze on my professor who was staring at me intently. Napakagat ako ng labi.

"B-bakit po?"

"I was calling you for the third time already!" napalunok ako nang matalim n'ya akong tinignan. "Kung lumilipad lang ang isip mo, better drop out now."

Napayuko ako.

"Alam mo bang sobrang bababa ng mga quizzes mo at nasa alanganin ka? Gusto mo ba talagang bumagsak?"

"N-no... no miss."

"Fix yourself, Zamora. Lawyer ang daddy mo. Ipakita mo naman na talagang anak ka ng isang abogado. Focus!"

"Y-yes, miss. I'm sorry."

She scoffed before turning her back and resume her discussion. Nagdiscuss s'ya nang nagdiscuss hanggang sa magtime na. Mababaliw na yata ako pero wala pa rin akong naiintindihan. Malapit na magfinals pero pakiramdam ko wala talagang pumapasok sa utak ko. Bakit ba ganito? Ang hirap hirap kong makaintindi.

"Puro ka kasi kdrama, gaga!" rinig kong sumbat ni Aveen habang nagliligpit ng gamit. "Tulog ka pa nang tulog! Pupulutin ka talaga sa kangkungan, sinasabi ko sayo."

"Kasalanan ko ba kung bakit wala akong natututunan?" Walang ganang tanong ko. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. "Nahihirapan kaya ako."

"Hoy, Dashana, magising ka nga!" napalingon ako sa kanya. "Third year na tayo! Kung hindi mo naman pala kaya, edi sana noon pa lang nagshift ka na ng course! Gaga, gagaya ka pa kay Dramos na pabalik-balik?"

"Hindi ko naman alam na mas may ihihirap pa pala 'yon. Akala ko basic lang ang business ad. Mali pala ako." Marahas akong napabuntong hininga saka hinilamos ang mukha. "Paano na 'to? Mapapatay talaga ako ni mama kapag bumagsak ako!"

"Dapat pala nag-fine arts na lang ako. Mas naimprove ko pa sana ang pagpipinta ko!"

"Tanga ka talaga." Isinukbit na n'ya ang bag n'ya sa balikat. "D'yan ka na nga. Kaimbyerna ka, ha."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko habang pinapanood ko s'yang lumabas. "Uuwi ka na ba?"

"Magkaclub ako," she replied, flipping her hair. "Ikaw, bawal ka. Mag-aral ka riyan."

I rolled my eyes. Hindi ko naman sinabing sasama ako. Nagtatanong lang naman. Until she was already out of my sight. Nang mapatingin ako sa cellphone ko ay saktong alas sinco na. Nagligpit na rin ako ng gamit at mabilis na lumabas.

Inakala kong paglabas ko ay may naghihintay sa akin. Pero wala. Hanggang sa makalabas ako ng gate wala akong nadatnan. I shook my head. Ano bang iniisip ko?

Hindi naman gano'ng kalayo ang school ni Huvies kaya nilakad ko na lang. Hindi na rin naman mainit dahil palubog na ang araw. Tinext ko rin si Dramos na papunta na ako kay Huvies. Pagdating ko sa pre-school nakita kong naglalabasan na ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak. I walked inside only to be greeted by the guard.

"Uy, manong June!" bati ko pabalik. "Kamusta ho kayo?"

Si Manong June ang bantay ng school. Kabiruan namin s'ya lalo na kapag sinusundo namin si Huvies.

"Okay naman, ma'am." He smiled.

"Ay, may ma'am? Lakas namam makatanda n'yan," biro ko sabay tawa.

"Wala ang mga kaibigan mo, ma'am este miss?"

"Dasha na lang ho. And yep, my friends were nowhere to be found. Kaya ako lang ang magsusundo sa aming bata." Tumango s'ya.

"Labasan na rin nila ngayon. Pwede mo na s'yang sunduin."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon