"Love... love galit ka? Bakit hindi mo ako kinakausap?"
Hindi na ako halos makahinga dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi s'ya galit sa akin pero bakas na bakas naman sa mukha n'ya 'yon.
Hindi ko maiwasang hindi murahin si Janelle sa isip ko. Hindi naman na kasi dapat makikita ni Keere kung hindi n'ya pinost at tinag pa ako! Kaya ngayon, nakakatakot nang lumapit kasi baka mamaya, bigla s'yang mambuga ng apoy.
"Ke, ang bilis mong maglakad. Hintayin mo naman ako!"
Kahit anong pagsigaw ko ay hindi na n'ya ako nililingon. Nagmumukha na kaming tanga rito't pinagtitinginan dahil ayaw n'ya talaga akong pansinin. Hanggang sa makarating kami sa parking, binuksan n'ya ang passenger seat.
"Sakay," malamig na saad n'ya.
"Ke..." I called, starting to get uncomfortable with the way he talk.
"Dasha, sakay na."
"Love please..."
Napapikit s'ya, tila nauubusan nang pasensya. Mas minabuti ko nang sumakay na lang bago pa s'ya tuluyang sumabog. Gusto ko s'yang kausapin at daldalin pero tinikom ko na lang ang bibig ko at tumingin sa labas ng bintana.
"S-sa condo na lang ako," saad ko pero hindi n'ya ako pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho. Kinakabahan nga ako kasi baka mamaya eh mabangga kami. Nagtitiim kasi ang bagang n'ya, at mahigpit ang hawak sa manibela. Until we reached his beach house. Hindi na ako nagprotesta. Hindi na naman ako nito pauuwiin.
Sumunod ako sa kanya sa pagpasok sa loob. Kagat ko ang ibaba kong labi habang pinapanood s'yang pumunta sa kusina. Ibinaba n'ya ang susi n'ya sa may counter at kumuha ng tubig. Umupo na lang ako sa sofa at parang batang naghahandang masermonan ng magulang. I played with my fingers to entertain myself.
Nang hindi ko na makayanan ang katahimikan ay lumapit na ako sa kanya sa kusina. Nakatukod lang ang pareho n'yang kamay sa may sink habang nakayuko. I hesitated whether to interrupt or not but then, I couldn't stand this. Mahina ko s'yang kinalabit, umaasang papansinin n'ya ako.
"H-hindi mo ako kakausapin?" Walang sagot mula sa kanya. "Ke, hindi mo ako papansinin?"
"Ayaw mo talaga? Kung gano'n pala, edi sana, hindi mo na lang ako dinala rito!"
Hindi ko na mapigilang mainis! Naiintindihan ko naman pero hindi n'ya kasi muna ako hinihintay na magsabi! Alam naman n'yang bridal shower 'yon at may gano'n talaga. Hindi ko rin naman alam na si Vike 'yon! Kailan pa s'ya napunta roon?!
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong n'ya nang magmatsa na ako paalis. Kinuha ko na ang bag ko at paalis na. Tutal nandito rin naman ang sasakyan ko. "Dashana!"
"Ayaw mo akong pansinin o kausapin! Hindi mo man lang ako pinapagpaliwanag!"
Marahas s'yang bumuntong hininga na parang nauubusan na ng pasensya sa akin. Umiling-iling s'ya, inagaw na sa akin ang bag at hinagis 'yon sa sofa.
"Huwag kang umalis," sambit n'ya. "Dito ka lang."
"Tss." I rolled my eyes and just marched upstairs. Pumasok ako sa guest room kung saan ako tumuloy noong ikulong n'ya ako rito pero kaagad ding natigilan nang sumunod s'ya at hinarangan ng braso n'ya ang pinto.
"What the hell?!"
"Matutulog na ako," saad ko. "Umalis ka na."
He cursed under his breath, totally running out of patience. Humiga na ako sa kama at handa nang matulog nang marinig ko ang buntong-hininga n'ya.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...