"Inom pa, guys! Huwag kayong mahiya, minsan lang 'to!"
I laughed as hard as I could while watching Janelle gets drunk. Kanina pa s'ya inom nang inom at halos pumutok na ang pisngi sa sobrang pula.
"Please huwag kayong maingay. Nandito si Marina. Maawa naman kayo sa anak ko," sagot ni ma'am Danice. Tumawa ako habang binubuhusan ni Janelle ng gin ang shot glass ko.
"Ikaw na, Dashana! Hoy, huwag mong itatapon 'yan! Nakikita kita!" napairap ako bago ininom 'yon. Tinaob ko pa sa mesa para makita n'yang wala ng laman. She winked at me.
"Kasi naman ma'am dapat sa bar na lang tayo pumunta!" reklamo ni Brielle.
"Pasensiya ka na, Gabrielle ha?" Pamimilosopo ni ma'am Danice. "Pasensiya ka na at may anak po ako eh, ano po?"
"Ma'am, pabayaan mo 'yang si Brielle. Palibhasa, walang binyag!"
"Hoy, kapal ng mukha mo, Janelle! Gusto mong tuluyan kita sa kulungan?" Nagsagutan silang dalawa. Ako naman tawa lang nang tawa. Napapailing na lang din si ma'am Danice sa kaingayan nilang dalawa.
"Uy, spa naman tayo bukas!" aya ni Brielle. "O kaya salon man lang. Baka naman, bm!"
"Basta ba sagot mo, bakit hindi?"
"Sus, kayo 'tong ang laki-laki ng sweldo." Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Paalala ko lang sayo na may anak akong binubuhay, ha? Baka lang nakakalimutan mo." Nagpatuloy lang kami sa pag-iinuman at pagkukwentuhan. Medyo tinatamaan na ako pero kaya pa naman. Maya-maya pa, nagsimula nang humagulgol ng iyak si Janelle.
"Hoy, tumahan ka na Elle! Ngayon iiyak iyak ka!" napabuntong hininga si Brielle. "Sabi ko kasi sayong hiwalayan mo na ang jowa mo habang maaga pa! Eh, ikaw rin 'tong si tanga, binilhan pa ng motor! At hindi lang 'yon! Inimbitahan mo pa sa lunch natin with attorney! Nakakahiya!"
Mas lalong lumakas ang iyak ni Janelle habang napapailing ako. Kahit kailan talaga ay hindi nakikinig 'tong si Janelle. Ilang araw matapos ang lunch namin sa eat all you can, nabalitaan na lang naming hiwalay na si Johnny at si Brielle.
"Pambihirang buhay 'to!" she cried. "Binigay mo na ang lahat iniwan ka pa rin. Saan pa ba ako lulugar?!"
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong umiinom sa beer na hawak ko kasi maging ako ay hindi rin naman alam ang sagot sa tanong n'yang 'yon.
"Ano pa bang kailangan kong gawin para mahalin naman ako? Gusto ko nang magsettle down. Pero wala, niloko ako! Uulit na naman ba ako?!"
"Tama na, Elle." Bm tried to calm her as well but she didn't stop.
"Bakit gano'n? Bakit kung kailan ako nagseseryoso, doon pa ako niloloko? Wala na akong maibibigay! Napapagod na ako!"
"Ang ibang mga lalaki kasi, madalas gago," sagot ni Brielle. "Kung kailan mo inaayos ang sarili mo, doon sila darating para sirain ka. Nakakatanga di ba? Nakakatanga na ginawa mo na ang lahat para mapasaya s'ya pero sa huli talo ka pa rin."
"Darating sila, sasabihing iba sila sa mga nauna, pero kinakain din nila ang mga salita nila." Napaiwas ako ng tingin. "Bakit naman gano'n?"
"Kapag nagmamahal kasi tayo, binibigyan natin sila ng karapatan na saktan tayo. Kasi binigay natin ang mga sarili natin eh. Nagtiwala tayo. Nagtiwala tayo sa mga salita nila." Tumawa si bm, mukhang lasing na rin. "Gano'n naman ang ibang mga lalaki. They know how to sugarcoat their words. Kaya isang salita lang, isang titig lang, wala. Gumagana na naman ang pagiging marupok natin. Nilalapit na naman natin ang mga sarili natin sa sakit. Kaya dapat matuto tayo."
Pinaglaruan ko ang shot glass ko na wala nang laman. Hindi ako nagsalita pero nakikinig ako.
"Hirap kasi sa atin, gusto nating mahalin tayo. Gusto nating mahalin tayo ng ibang tao. Kaya kapag umalis sila, wala na. Ubos na naman tayo. Dumepende kasi tayo sa pagmamahal na nakukuha natin sa iba." Napayuko ako.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...