"You don't really have to do this."
Naiilang ako. Hindi ko inaakalang mauuwi ako sa ganito kasama s'ya. Bakit gano'n? Bakit parang sa kanya wala lang? Diretso lang ang tingin n'ya sa daan habang swabeng nagmamaneho. Kalmado. Hindi man lang pinagpapawisan o parang kinakabahan.
"Ano bang iniisip mo?"
"Wala." Napaiwas ako ng tingin, natatakot na baka malaman n'ya ang tumatakbo sa utak ko ngayon.
"Good. Don't think too much about this. It's not a big deal."
"Hindi ko kailanman nilagyan ng malisya ang mga ginagawa mo," I replied. "Wala nang rason para magmalakasakit ka sa akin pero salamat pa rin."
Hindi s'ya sumagot. Matagal na kaming wala. Matagal na ring natapos ang pagkakaibigan namin. Wala nang nagkokonekta sa aming dalawa... O baka 'yon lang ang gusto kong paniwalaan?
"Ilang... years na kayo?" Tumaas ang kilay ko.
"Why asking?"
"Nevermind."
"Nine." Ngumisi ako nang matigilan s'ya. It looks like he was uncomfortable because of it.
"Nine months?"
"Nine years," sagot ko. "Wanna tell you the details?"
"No."
"Nagkakilala kami matapos kong grumaduate. Naghanap kaagad ako ng trabaho. Si Pocholo ang una kong naging kaibigan. He's approachable. Palaging iniisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili n'ya. Hindi n'ya ako iniwan—"
"Stop."
"Kahit durog na durog ako binuo n'ya ako. Kahit ang gulo-gulo ko, niyakap n'ya ako. He never left me during my bad times. He never left me even he's aware of the fact about the false crime of my dad. Hindi n'ya ako tinraydor—"
"I said stop!"
Natahimik ako nang makita ko ang paghigpit ng kapit n'ya sa steering wheel. Parang bigla akong naapektuhan sa pagdaan nang kung ano man sa mukha n'ya pero pinilit ko 'yong inalis sa isip ko. Baka mamaya ay niloloko ko na lang ang sarili ko.
"G-gusto mong malaman, 'di ba? There you have it."
"Stop," he whispered. "Stop torturing me."
"I am not torturing you," I replied. "'Yon ang totoo. Bakit? Natamaan ka?" Hindi ulit s'ya sumagot.
"Gusto mo pa bang malaman ang lahat? Want me to tell you about our wedding—"
"Tama na please," he begged. Nang tignan ko s'ya ay pumupungay ang mga mata n'ya. "Ayoko na."
Hanggang sa makarating kami sa bahay. Lumabas s'ya kaagad, humingi ng tulong kay Finn na buhatin ang mga pinamili ko at iniwan kami.
"Ano 'yon? Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Finn. Nilaro laro n'ya si Marina habang umiinom ako ng tubig, may bitbit rin s'yang baby boy. Nasa kapitbahay si mama nang makauwi kami.
"S'ya ang nagmaneho," bulong ko.
"Bakit pumayag ka?" Ramdam ko ang pang-aasar sa tingin n'ya. Hindi kagaya ni Dramos, mas open si Finn sa pagtanggap kay Keere. Parang kami nga lang ni Dramos ang may galit sa kanya, eh.. o parang ako na lang yata.
"No. But I have no choice," I replied.
"May nararamdaman ka pa ba?" Natigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Galit," sagot ko sabay baba ng baso. "Wala akong ibang gusto kundi ang maramdaman n'ya kung gaano n'ya ako nasaktan."
"Dashana naman. Hindi natin alam kung ano rin ang pinagdaanan ng tao—"
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomantizmMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...