Chapter thirty six

96 10 0
                                    

Warning: R18

"Mabuti naman at lumitaw ka na, love!"

I chuckled while looking at the three of them. Lumakad ako papunta sa table ko at doon umupo. Namiss ko silang tatlo dahil halos dalawang linggo rin akong nawala.

"Hoy, ang blooming! Sinong nakabinyag?"

"Wala, Brielle," sagot ko, nakangiti.

"Akala ko nga nakidnap ka na!" Janelle muttered. "Pero hindi ganyan ang mukha ng nakidnap! Mukhang hiyang na hiyang eh."

"Nakazipper ang bibig ko." I made a gesture, pursed my lips and smiled. Paniguradong hindi nila ako tatantanan hanggang mamaya.

"Ay gano'n! May nangyari nga!"

"Love, ano? Pinagpapalit mo na ba ako? Paano na 'yong 9 years?" I burst out of laughter.

"Break na tayo love." I winked at him.

"Ouch, pork chop! Nasaktan ako ro'n, ah?" Napahawak pa s'ya sa dibdib n'ya.

"Ang iingay! Parang wala sa banko!" saway ni bm. "Umayos nga kayo. At ikaw, Dashana! Pasalamat ka pinapasok pa kita!"

"Mamaya ililibre kita, miss."

Nang sumapit ang lunch break ay nag-aayos ako ng gamit nang may matanggap akong text.

"Saan tayo kakain? Sagot ni Dasha!"

"Hindi ako makakasama eh," sagot ko sabay angat ng tingin sa kanila. "May kikitain ako pero sige. Sagot ko na lunch n'yo."

Kinuha ko ang wallet ko at binigyan sila ng isang libo. Kita ko namang nanlalakihan ang mga ngiti nila.

"Wow! Galante! May jowa na siguro 'to!"

"Di ba pwedeng sumweldo lang?" I replied. Inasar pa nila ako kaya nagpaalam na rin ako. Hindi na naman kasi nila ako tatantanan, eh. Pumara ako ng taxi. Wala na kasi talagang pag-asa ang sasakyan na binili ko kay Janna. Hihingi ako sa kanya ng refund dahil sayang ang 500k ko!

Bumaba ako sa may cafe sa intersection. I tighten my grip on my bag while entering the place. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, dumagdag pa ang malamig na aircon. I clasped my hand when I already saw her. Kumaway s'ya sa akin at ngumiti, kaya lumakad na ako kung nasaan s'ya.

"Tita—"

"Dashana." Mabilis n'ya akong niyapos ng yakap na s'yang kinagulat ko. Nang bumitaw s'ya ay tinitigan n'ya ako nang mariin. "Ang ganda-ganda mong bata. Siyam na taon kitang hindi nakita pero kamukhang-kamukha mo ang daddy mo." Napangiti ako.

"Upo ka, anak. Upo ka." Sinunod ko s'ya at humila ng upuan sa tapat n'ya.

"Kumain na ho ba kayo? Order po kayo, sagot ko na," saad ko sa kanya ngunit umiling s'ya at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto kong humingi ng tawad sayo, anak." Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata n'ya. "Dahil sa amin, nasira ang pamilya n'yo. Patawarin mo kami, Dasha."

"Pangako wala kaming alam. Hindi namin alam na magkakagano'n. Hindi namin gustong idamay ang daddy mo. Hindi namin gustong pahirapan kayo. P-pero... pero nangyari na." I bit my lower lip. Tita Yna's hand trembled. "Siyam na taon bago ako nagkalakas ng loob humingi ng tawad, Dasha. Wala akong mukhang maihaharap sayo at kay Minerva dahil sinisisi ko rin ang asawa ko."

"Ang anak ko. Si Keere... ginawa n'ya ang lahat para mapatunayan 'yon. Ilang beses s'yang bumagsak. Ilang beses n'yang hindi naipasa ang bar. Ilang beses n'ya kaming inuna kahit wala s'yang ibang naririnig kundi panghuhusga ng mga tao. Walang tumanggap sa mga anak ko ni isa dahil akala nila, magnanakaw kami." Tumulo ang luha mula sa mga mata n'ya. "Pero sa maniwala ka man o hindi, wala kaming intensyon na traydorin kayo. Wala kaming intensyon na idamay si Edward. Huli na nang makita naming kasama na s'ya sa may mga kasalanan." Nanginig ang boses n'ya.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon