"Ilang buwan na ang nakakalipas..."
Paglabas ko ng kwarto ni mama, bumungad sa akin si sexy at sinabihang kakausapin ako. Katatapos lang n'yang icheck ang mama ko dahil s'ya ang nurse na nakaassign sa kanya.
"Dasha ang mama mo... ang mama mo baka—"
"Sexy, si mama 'yan," nanginginig pero buo ang loob na sagot ko. "Sexy, malakas si mama. Hindi s'ya susuko. Sesermonan n'ya pa ako nang paulit-ulit at babatuhin ng tsinelas."
Napabuntong hininga s'ya at niyakap ako. Nang mawala s'ya ay napasandal ako sa pader, umupo at umiyak. Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Unti-unti na rin akong nauubos. Napapagod na ako. Pakiusap naman. Ibigay mo na si mama sa akin. Kailangan ko pa s'ya. Kailangan ko pa ang mama ko.
"Happy birthday, Dasha!" napangiwi ako nang sumigaw ng pagkandalakas-lakas ang mga kaibigan ko.
"Anong happy birthday? Hindi ko pa birthday," sagot ko, sumalampak ako ng upo sa sahig ng bahay namin. Pagkauwi ko, naroon na agad silang lima at hinihintay ako.
"Pwedeng magpasalamat ka na lang kaysa nagrereklamo ka?" Inirapan ko si Aveen. Palagi na lang akong binabara kahit hindi naman dapat.
"Sabi ko sa inyo mali eh! Dapat happy new year na lang, mga pre!" sagot ni Finn.
"Isa ka pang shunga." Binato s'ya ng tingin. "February na ngayon, hindi January."
"E 'di Valentine's day!" napakamot s'ya ng ulo. "So bobo."
"Bakit ba ang gulo n'yo palagi?!" reklamo ni Dramos. Napahilamos s'ya ng mukha kasi natamaan s'ya ng unan. "Mag-eexpect na ba ako?"
"Fuck you!"
"Si Keere nga palaging wala." Tinuro ni Finn ng daliri si Keere. "Mag-eexpect na ba ako?"
Binato s'ya nito ng unan na sumakto sa mukha n'ya. Kagaya ng mga naunang nangyari, hindi pa rin ako nagsalita. Alam kong ako na mismo ang may problema. Hinahayaan kong mainggit at mainsecure ako kay Graciella. Kahapon nga lang, inistalk ko s'ya, sobrang blooming n'ya samantalang ako heto. Haggard. Pagod. Puyat. Lahat na.
"Bilis, sumiksik ka!" nagdikit-dikit kami bago nila pinatay ang ilaw at binuksan ang tv. I was moving to more comfortable position when Keere held my hand. Sandali kaming nagkatinginan bago ako kumalas at bumaling sa tv.
"Ano bang meron?"
"May nahalungkat kasi ako kanina." Kinonnect ni Dramos ang lumang camera n'ya sa tv namin bago tumabi sa amin. "Naglinis ako ng kwarto, ayon nakita ko 'tong mga to."
Nagsimulang magplay ang slide show at pinakita roon ang mga picture namin noong mga bata pa kami. Meron pa noong nagbirthday si Keere sa jollibee at halos lahat kami active na active sa bring me at pahabaan ng sintas ni Jollibee para sa tatlong piraso ng crayons. Meron pa noong tumatawa sila tapos ako naman ay umiiyak.
"Gago, naalala ko 'to!" Finn muttered, laughing. "Ito 'yong time na kinain ni Dramos 'yong monde mamon ni Dasha!"
May maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
"Hala shit! Ito 'yong umiyak si Finn sa clown noong party ni Faber kasi nadaganan s'ya ng mascot ng McDonald's noon!"
"Pause mo, Dramos bilis!" utos ni Aveen, matapos ay pinicturan n'ya 'yon gamit ang cellphone n'ya. "Ipopost ko sa instagram."
"Sisirain mo talaga buhay ko 'no?!" tawa lang kami nang tawa habang binabalikan ang mga nakakahiyang pangyayari namin noong malilit pa kami.
"Ito 'yong napunta sa dentist si Faber!" I muttered, laughing. "Epic 'yon."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...