"Habang tumatagal gumaganda si Dashana."
Natigil ako sa pagbabasa ko ng libro dahil do'n. Dashana? 'Yong kababata ko? Imposible. Maraming Dashana sa mundo.
"Oo nga, pre! Type ko s'ya. Ligawan ko kaya?"
"Asa kang sagutin ka no'n. Daming nakapaligid na kababata. Hindi tayo makakaisa sa kanya." My brow arched. I couldn't focus on the book anymore. Shit! I have an exam.
"Sus, mga kababata? E 'di iiskor kapag wala. Saka mukha namang may experience na. Puro lalaki ba naman kasama eh." I closed my book and threw it on my classmate who said that. Fuck, mahal pala 'yon.
I sighed.
"Puta, sinong bumato no'n?!" kinuha n'ya ang libro ko at tinignan ang pangalan ko roon. Nagpasak na lang ako ng earpods at sandaling pumikit. I was sleep deprived for fuck sake tapos iinit pa ulo ko.
"Sayo ba 'to?!" Nicolson appeared on my side, holding my thick, expensive book.
"Ano bang nakalagay riyan?" Walang interes na tanong ko. Chineck n'ya ulit ang libro.
"Keere Magnus!"
"Baka nga sa akin 'yan?"
"Pilosopo ka ah!" galit na sagot n'ya. "Yabang mo ah! Bakit mo ako binato?!"
"It slipped," I reasoned, shrugging.
"Eh gago ka pala eh! Dudulas lang, sa ulo ko pa tatama?!"
"Tanungin mo 'yong libro."
"Tarantado ka ah!" he grabbed my collar. "Sasapakin kita!"
"You are aware of physical assault, aren't you?" His fist froze halfway. "Wag mo sabihing hindi. Mag-aabogado ka di ba?"
He blinked. He removed his hand from me and took two steps away.
"Let me tell you this. Dashana do not entertain people like you so back off."
"Anong ginawa mo ro'n, boss?" Brixton asked, laughing. Pinanood n'ya si Nicolson na umalis ng classroom. "Mukhang nakakita ng multo."
I didn't reply. Nang mawala s'ya, doon ko halos suntukin ang sarili ko.
Ano? Kailan ko pa alam na hindi kumakausap si Dashana ng mga gano'ng tao? Ni hindi man lang nga kami nag-uusap. At ano namang pakialam ko kung pormahan n'ya si Dasha? I don't like her. The feeling's mutual. I must be crazy. This is bad.
"Babe, wait please!" Graciella clung her hand to me. "Ano ba? Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka?"
"Not today, Graciella."
"Ano ba talagang problema?" She asked. "Nahihirapan na akong basahin ka. Girlfriend mo ako, Keere. Sabihin mo sa akin ang problema."
"Graciella, just please." Huminto ako at tinignan s'ya. She sighed, surrendering.
"Fine. I'll just go to library. Text mo ako kapag may kailangan ka."
I breathe. Pinanood ko lang s'yang umalis. Pagbaba ko ng hagdan, kaagad tumama ang mga mata ko sa maingay na babae na dumaan sa harapan ko.
"Dramos! Sige na, buhatin mo ako papunta sa canteen!"
"Pigilan mo ako! Makakatikim ka na sa akin!"
"E 'di wag. Pake ko sayo."
When she glanced at my direction, I literally felt my heart skip a beat. Itinaas n'ya ang kamay n'ya at ngumiti nang malaki. Was she smiling at me?
"Uy, Faber!" itataas ko na rin sana ang kamay ko nang marinig ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...