Chapter fourteen

100 8 0
                                    

"Dashana! Nandiyan na sina Dramos! Bilisan mo na!"

The water continued dripping from the shower. It made a sound as it hits the floor. I washed the remaining soap and shampoo on my body before I turned off the shower, took my phone beside my toothbrush holder and went outside. I let the music boost my morning as I quickly wear my uniform on and dried my hair. I also put clips on both side of my hair and applied a little powder.

"Opo!"

I checked my things inside my backpack for the last time. Nagdala ako ng maraming lapis at ballpen dahil hindi ako pinahihiram ni Aveen. That girl is a witch!

"Be a good girl, okay? I'll buy you cat food later." I kissed Icy on the head. Her crystal like eyes looked up at me as she let out a small meow. Cutie!

"Kapag umuwi kang madungis, kalimutan mo nang may bahay ka!" My mom reminded as if I was a child. Hindi na nga kasi ako bata!

"Okay! Bye!"

Paglabas ko ng gate, naabutan ko na agad sina Dramos sa labas. He was fine already. It has been weeks since that accident happened. Hinayaan na lang muna namin sina Nick at hindi na sila pinatulan. No matter how good my friend was in fighting, he shouldn't be involve with Nick. Given his personality. Sobra s'yang madumi.

"Good morning!" I greeted. The four of them turned to me.

"Sa wakas natapos ka rin!" Dramos exclaimed. Wala na s'yang arm sling sa braso at naghihilom na rin ng mga sugat na natamo n'ya. Bumaliktad kasi nag sinasakyan n'ya. "Ang tagal mong maligo!"

"Sorry naman!"

The five of us began to walk. Aveen finally showed up after weeks of being missing in action. Si Finn naman, minsan ko na lang masilayan at ngayon lang ulit kami nagkasabay-sabay. Faber was with his glasses again. Nakalimutan na naman sigurong bumili ng contact lens.

"Paunahan makapunta sa bus stop!" Dramos challenged. "Kung sino ang mahuli manlilibre mamaya ng lomi!"

"Sige ba, pre!" Finn accepted, making a pose.

"Ready! Get set! Go!" nag-unahan kaming tumakbo ng mabilis. They looked so competitive and too dedicated to win the challenge. Kahit pa umagang umaga at nakauniform kami ay ipinagsawalang bahala nila.

"Ang mahuli mukhang pwet!" Finn teased when he saw Aveen on the back. Tila hirap makahabol.

"Ang maniwala tanga!"

Nang maabutan ko si Dramos ay mabilis akong sumampa sa likod n'ya. He was the fastest among them.

"Dasha, madaya!" sumbat nila pero dinilaan ko lang sila. I laughed so hard when Dramos speed double up. Napahigpit ang kapit ko sa kanya sa leeg. Until we reached the bus stop. We won! Nahuli si Aveen kaya s'ya ang manlilibre ng lomi!

"Ano, ako tanga?" Hinihingal na tanong n'ya. "Nagulo tuloy ang buhok ko! Moron!"

Hinabol nila ang mga hininga nila habang ako fresh pa rin. Binaba na ako ni Dramos pagkatapos at nagpunas ng pawis.

"Ngiting-ngiti si Dasha palibhasa hindi pinagpawisan! Dapat hinagis mo 'yan, pre!" Finn muttered, casting a glance at me.

"Inggit ka lang kasi hindi ka nauna. Try harder next time, palikpik."

Saktong natyempuhan namin na may nakaparadang bus doon at naghihintay na mapuno. We all went inside. Naabutan namin na halos nakatayo na ang mga estudyante. Grabe! Ayaw talagang umalis kapag hindi pa napupuno na parang sardinas!

Wala nang bakante para sa aming lahat. Aveen managed to find herself a chair. While the rest of us remained standing. Medyo napalayo sa akin sina Dramos. Nagsimula na ring sumikip at dumami ang mga pasahero kaya hindi ko na alam kung sino ang katabi ko.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon