Inaantok pa ako nang magising ako nitong umaga. Late na naman pala akong nakatulog kagabi. Today, I'm planning to do something.
I'll dye my hair!
Sa sobrang pagkaexcited ko, hindi na ako nakapagtanggal pa ng damit at diretsong sumahod sa shower. But that was a wrong part of me! Malamig ang tubig kaya napatili ako ng malakas. Sinubukan kong ishift sa maligamgam na tubig pero wala! I quickly went downstairs. Water still dripping down from my hair to my thin shirt.
"Mama!" pinunasan ko ang mukha ko. "Mama! Nasaan ka?! Bakit walang—anong ginagawa mo?!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa banyo namin si Keere. May hawak-hawak na water kettle na may kumukulong tubig at isinasalin 'yon sa timba. Halos mapatalon din s'ya sa gulat nang marinig ang boses ko pero agad ding nakabawi. Pinagkrus ko ang braso ko. Umihip s'ya ng hangin at napairap ng mahimasmasan.
"Naglalaro," pamimilosopo n'ya. I was close to hitting him when I remembered that we're not in good terms yet. "Nasaan ang tuwalya mo? Tignan mo, basang-basa ang sahig."
Hindi ko s'ya sinagot at pinanlakihan lang s'ya ng mata. I want him to explain everything to me.
"Wala sina tita. May pinuntahan."
"At ikaw?" Nanliit ang mga mata ko. "Bakit ka nandito?"
He shrugged.
"Kasi pinapunta ako rito?" Nilampasan n'ya ako at dumiretso sa lababo para ibalik ang kettle doon. "Itaas mo 'yang damit mo. Nakikita ko baby bra mo."
My jaw dropped.
"Bastos!"
Nagpatugtog lang ako habang nasa banyo. Hindi alintana kung nasa labas pa ba si Keere o ano. I was too consumed with positive vibes and it is so peaceful for me! Nagtapis ako ng tuwalya sa buong katawan pero bago ako lumabas ng banyo sinilip ko muna kung naroon pa si Keere. I saw him mopping the floor.
"Hoy," I called. Napaangat s'ya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Bilis, talikod ka! Lalabas ako!"
Walang reklamo n'ya akong sinunod at tumalikod. Tumakbo ako paakyat ng hagdan hanggang sa kwarto ko. I shut the door closed and went to my closet. I just wore a simple yellow square collared with puff sleeves below the knee dress matched with white shoes. Kinuha ko ang maliit kong backpack at isinukbit 'yon sa likod ko. Binuhat ko rin si Icy para isama. Baka naiinip na s'ya kasi palagi ko na lang s'yang itinatago kay mama.
When I went downstairs again, he's still there. Watching on our television while arms crossed. Feel at home na feel at home, ah?
Peke akong umubo para makuha ang atensyon n'ya. He arched his brow while scanning me from head to toe.
"Saan punta mo?"
"Bakit mo tinatanong?" Kumuha ako ng payong sa gilid at isiniksik sa bag ko. "Pakisabi na lang kay mama kapag umuwi na may bibilhin lang ako sa bayan. Ilock mo ang pinto kapag umalis ka. Kapag may nanakaw rito, ikaw ang may kasalanan."
He ignored my rants.
"May bibilhin o makikipagdate?" Hindi pa rin s'ya tumigil katatanong. S'ya na ba ang bago kong tatay?
"Pwede rin namang both. Bakit may angal?"
"Subukan mo lang," he threatened, glaring at me.
"Blah blah blah." Inilabas ko na ang bike ko. Inilagay ang backpack at si Icy sa basket at handa na sanang umalis nang may pahabol pa s'yang sigaw mula sa loob.
"Umuwi ka kaagad!"
"Hindi kita tatay!" and then I left. Nagpedal ako habang dinadama ang magandang umaga. Lumiko ako sa daan na hindi masyadong dinaraanan ng mga sasakyan dahil malayo papunta sa bayan. May mga puno roon at ang mga dahon ay nahuhulog sa sahig. Aakalain mong nag-aautumn sa Pinas! Ang ganda!
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...